Kabanata 14

59 8 0
                                    

“Ansakit! Tangina!” Inis na sigaw ni Abi sa sarili.

Nandito s'ya ngayon sa harok. Nagpapakalasing. Hindi niya alam bat ganito 'yung nararamdaman n'ya.

“Binibini? Tama na 'yan.” Saway sakanya ng bartender.

Ano bang pakialam nito kung maglasing s'ya?! Wala siyang pake! Tangina n'ya! Tangina mo Christoffer!

Nakamaskara s'ya ngayon kaya hindi s'ya nakikilala ng mga kalahi n'ya na nandito. Gustong gusto n'ya na itong tanggalin dahil naiirita na s'ya.

“Isa pa.” Lapag n'ya sa basong malaki at babasagin. Wala nang laman iyon.

“Pero—” Kinuwelyuhan n'ya na agad ito bago pa matuloy ang pagsasalita.

“Ayoko nang pinagbabawalan ako at pinapatigil ako sa mga gusto ko.” Pabato n'ya iyong binitawan.

Naiinis siya! Naiinis siya sa sarili niya! Gago s'ya!

Kumuha nalang ng bagong alak ang bartender dahil sa takot sakanya. Tumingin s'ya sa nagsasalpukan sa ring. Naalala n'ya na naman!

Dito sila unang nagkita tas nagkakilala sa paborito niyang lugar kaso hindi naging sila.

'Mapaglarong tadhana, ako pa piniling paglaruan.' Inis niyang bulong.

Tumayo s'ya kahit may nababangga ay sinasamaan niya lang ito ng tingin kaya hindi na pumapatol sakanya.

“Ano ba?!” Napalingon s'ya sa nabangga.

“Nandyan ka kasi sa gitna.” Walang emosyon nyang sabi.

“Mang hingi ka ng tawad, binibini!” Sigaw ng isa.

Hindi n'ya napansin na nasa gitna na pala s'ya ng ring.

“Bat ako mang hihingi ng tawad, diyos ba s'ya?” Pabalang nyang sagot.

“Siya na ngayon ang nanalo at malakas s'ya kahit babae! Ikaw?!” Sabat naman ng isa.

Siguro ay mga baguhan lang ito dito sa harok. Hindi ba nila ako kilala?! Ako si Abigail Clei Adam Sandler!

“Gun?! Gun Ikaw nga!” Malakas na sigaw ng lalaki na nagpatigil sa lahat.

“Siya yung tumalo kay Christoffer my love?!” Galit na sigaw ng babaeng nabangga ko kanina.

'Ahh! My love! Tsk! Corny n'yo! Mas maganda pa kung ako tatawag sakanya nyan! Dahil maganda ako!' Sigaw n'ya sa isip.

“Gun! Nagbalik ka!” Dali siyang niyakap ng lalaki.

Siya yung lalaking nag tanong sakanya kung anong pangalan n'ya dati.

“Nabisita lang.” Tamad nyang sagot.

“Makikipaglaban ka'ba?” Tanong agad nito.

Napangisi naman siya. Gusto niyang magpainit kaya Oo-o siya!

“Oo, May tatlo ka'ba dyan?” Wala sa sarili niyang tanong.

Nagulat man ang lalaki ngunit agad rin ngumiti nang malawak.

“Oo! Marami tayong magagamit para sa'yo, Gun!” Masaya nitong ulat sakanya.

“Wag 'yun. Gusto ko 'yung kausap ko kanina at yung mga gusto sumali.” Sabi n'ya at sumandal sa sofa na kahoy.

“S-sige!” Lumabas na ito sa silid.

Maya maya ay dumating na ito na malaki ang ngiti. Malamig naman niya itong tinapunan ng tingin.

“Nakahanda na lahat, gun!” Tumango s'ya at nilagpasan na ito.

Paglabas mula sa silid ay naririnig niya na ang bulungan ng mga kalahi n'ya sa harok. Parang lahat ng lobo ay tumigil sa pagpapaligaya at pumunta at tumutok sa ring.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now