Kabanata 15

60 9 0
                                    

“Abigail! Gumising kana dyan!” Sigaw ni tita.

Panibagong araw na naman na may konting gabi charot hihi.

Humiga ulit ako at hindi pinansin ang sinabi ni tita. Saan niya na naman ako daldalhin?!

“Abigail!!!!” Sigaw ni tita kaya tumayo nalang ako kesa mabuhusan ng tubig.

“Wait! Fuck.” Hinimas himas ko ang ulo.

“Aling Presy pakihanda na po ang paliliguan ko!” Utos ko nang makalabas sa silid.

Mga ilang sandali pa ay lumapit sakin si aling presy at sinabing nakahanda na ang paliliguan ko. Malaki kasi iyon at kasya ang sampung katao kapag maliligo. Hanggang bewang ang tubig at may mga usok na lumalabas hihi.

“Ta! Ligo lang ako.” Bilin ko at nagpunta na sa paliguan.

Nakakarelax kasi ito yung may mainit na tubig na hahamplos sa katawan mo. Syempre may kasama pang gatas sa umaga. Pagkatapos kong magbabad ay kinuha ko na ang damit sa isang katulong.

“Tapos ka na ba?!” Sigaw ni tita sa labas.

“Oo! Wait!” Sigaw ko rin. Pumunta na ako sa silid at nag bihis roon. Puro violet yung mga damit ko dahil my favorite color is violet! Hihi.

Pagbaba ay tumingin agad sakin si tita. Anong problema na naman nito?

“Kumain kana, sasabay sa'yo ang mahal na hari.” ngumisi lang ako dahil sa wika n'ya.

Ayun sasabay? Ah baka hindi n'ya na kaya ang gutom kaya bumaba s'ya tsk.

At ayun nga nakita ko sa ang aking ama na prenteng naka upo sa dati nyang upuan. Nakatalikod s'ya rito kaya hindi ko makita kung anong ekspresyon ngayon ng mukha n'ya.

Umupo nalang ako sa dati kong upuan. Sa dulo rin as usual. Lagi ganito ang routine namin mag ama. Sa dulo s'ya, sa dulo rin ako. Si tita tapos na yata kumain dahil nasa garden na siya kinakausap ang mga alaga nyang halaman na hindi naman nagsasalita.

“Bakit mo ginawa 'yon?” Napaangat ako ng tingin dahil sa tanong nya.

Wow! Just wow! Ngayon ko lang s'ya narinig na nagsimulang magbukas ng conversation. Ano 'to nakablock ba ako dati sakanya? Kaya hindi nagsisimulang mag salita dati? Hayss naku mga matatanda talaga.

“Anong ginawa?” Tanong ko pabalik.

Anong ginawa ko? E kung ang dahilan naman ng tanong nya ay yung pagpatay ko sa mag-iina n'ya, edi diretso na hindi yung putol putol pa. Yes! Pinatay ko na si jira. Kasama n'ya na ang mag ama sa mundo ng mga kaluluwa. Ayokong pinapasok ang silid ko 'no. Opo! Pinasok n'ya ang silid ko at pinagbantaan na sasaksakin. Tsk kala n'ya mapapatay n'ya ang isang Abigail Clei? Tsk s'ya ang mauna.

“Yung pagpatay mo sa mag iina ko!” Napatayo s'ya dahil sa sigaw n'ya rin.

Tsk Sabi ko na e! Yun na yun! Kala n'ya hindi ko nahahalata na mas may care s'ya doon sa mag ina kesa sakin.

“Bakit hindi mo itanong iyan sa mga alagad mo? Sila rin ang nakasaksi no'n kaya dapat sila ang tinanong mo, hindi 'yung pumatay. Malay mo magsinungaling ako 'di ba? Edi nag-agaw buhay ka na dyan kakasigaw mo.” Ngayon lang ako nagsalita ng mahabaaaa! Pero okay lang 'yun dahil nasa katuwiran ako, sabi ko nga biro lang.(ㆁωㆁ)

“Tinatanong kita ng maayos Abigail! Hindi ako nakikipag biruan sa'yo!” Ang kulit ng tatay ko!

“Bakit? Kapag sumagot ako, Mali yun sa pandinig mo. Kapag hindi naman iisipin mong bastos ako. Edi mas maganda yung bastos kesa sa hindi pinapaniwalaan.” Tumayo na'ko pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now