Kabanata 16

48 8 0
                                    

Tahimik akong lumabas sa silid ni Issy. Gabi na pala dito sa pinas. Sabagay... saglit lang mag-gabi sakanila, samin parang bente kwatro oras gabi.

Bumalik na'ko sa silid ni Issy at nakitang tumabi si athena si sakanya. Shit! Baka magising 'yang biik na 'yan!

"Shhh..." Saway ko kay Athena at kinarga siya paalis sa tabi ni Issy.

Saan kaya kami matutulog nito? Sa labas? Pwede naman 'ata kaso baka lamukin lang si Athena.

Tahimik kaming dalawa ni athena na lumabas. Dahan dahan naming binubuksan ang mga kwarto na nandito sa mansion ata 'to.

Sa dulo napunta kami. Bakante ito at may violet na kulay na pinto. Baka ito na ang silid ko. Pumasok na'ko roon at pinahiga si athena na mahimbing na natutulog. Pagod ata 'to.

Humiga na rin ako sa tabi n'ya at nagpalamon na sa antok. Syempre masarap ako joke.

! KINABUKASAN !

Naalimpungatan ako dahil may tumamang unan sa mukha ko. Wtf? Ayoko na talagang matulog katabi itong si-

"Paano?"

"I don't know, Sy! Tanong nalang natin sakaniya later."

"Pero sa tingin ko, Claire. Double Hanger lang 'yan ni abi natin!"

"Double Hanger?"

"Yung ginaya lang 'yung face ni abigail natin! Bobo mo naman Claire!"

"Tanga." Nagulat naman ang dalawa dahil nagising ako.

"Gising kana, abi?" Inosenteng tanong ni Issy.

"Hindi, Tulog pa'ko." Sarkastika kong tugon.

Tinawanan naman ni claire si Issy. Ayun napunta sa hampasan na naman ng unan. Ang pangit ng salubong nila sakin...always naman.

"Sabi ni Tita Chloe, Kailangan raw pumasok tayo!" Exited na sabi ni Issy.

Sabi ni tita Chloe ipapahinga 'yung katawan ko? Bakit parang dinagdagan n'ya pa? Tangina naman.

"Anyway! Anong kulay at tatak ngpanty n'yo? Nawawala kasi 'yung Cinderella konv panty!" Singit ni claire na nakabusangot.

Binaba ni Issy ang pajama n'ya kaya napatakip ako sa mga mata ko. Gago! Purket puro babae hinubad agad!

"Look! Si belle 'yan! Favorite ni author!" Rinig kong sabi n'ya.

"Ikaw Abigail? Anong panty mo?" Pilit tinatanggal ni claire 'yung palad ko sa na nakatakip sa mata ko.

"A-ano..." Mahina kong sabi.

Tinanggal ko na ang palad ko nakatakip sa mga mata. "N-nakasuot ka na ba ng pajama, Sy?" Naiilang kong tanong.

"Oo! Sige! Sabihin mo na! Baka ikaw talaga 'yung nagnanakaw ng mga panty namin dito!" Bulyaw n'ya.

Nahihiyang napayuko ako. Gago kahit babae kami ayoko sabihin!

"V-violet a-and tatak M-mulan." Nauutal kong wika.

Tumawa naman silang dalawa kaya nagtaka ako. Anong meron sa mga abnong 'to?

"HAHAHAHA! Sino nag bili sa'yo? Sakin si mommy!" Pagmamalaki pa ni claire.

"Pinilit lang ako pasuotin nito ng nanay mong maingay!" Sigaw ko at padabog na pumunta sa cr.

CLAIRE ANNE'S POINT OF VIEW.

"Wahh! Bakit siya nagdadabog?! Siguro gusto n'ya limang panty na may tatak na Mulan!" Ani ni Issy.

Bakit siya binilhan ni mommy na may color?! Sakin nga white lang tas si belle lang nakalagay! Unfair talaga 'yung mommy ko!

Wait! Sinabihan ni abigail si mommy na maingay!? WAHHH! Isusumbong ko siya kay mommy sa sunod na taon!

ISSY TINSLEY POINT OF VIEW.

Bakit kaya nagdabog si abi? Hala! Baka may pula siya! Nag search ako kahapon sabi dun kapag nagagalit daw 'yung mga babae ibig sabihin may pula sila! Hala mamaya nga matignan kay abi!

"Abi! Tapos kana ba?!" Sigaw ko habang kinakatok ang pintuan ng Cr.

Ay! Baka natulog na si abi sa cr! O baka! Nagpakamatay na 'yun! Nakoo!!! Lagot kami!

Malakas kong kinatok ang pintuan ng Cr. "Claire! Tulungan mo'ko dali!" Kahit nalilito ay sumunod pa rin siya.

"Wahhh!" Tumalsik kaming dalawa ni claire! Ansakit ng pwet ko!

Anlakas talaga ng babae 'to! Nako! Sana makahanap 'to ng katapat n'ya! Huhu.

"Ang ingay n'yo, masisira ata 'yung pinto dahil sa kalampag n'yo." Reklamo n'ya at pumunta sa closet.

Pagkalabas n'ya ay s'ya namang bulyaw sakanya ni claire.

"Ikaw! Anlakas ng tulak mo! Ansakit ng pwet ko! Tumama sa tusok ng kama mo!" Bulyaw n'ya kay abi na nakakunot ang noo.

Ako? Hinihimas ko ang pwet ko dahil parang may bukol na tumubo dun.

"Mahina lang 'yung tulak ko, Anne." Seryoso nitong sabi.

"Then! Action!" Ako 'yan! Cheer nyoko!

"Tsk." Pumasok siya doon at kami naman umaktong kinakalampag ang pintuan ng Cr n'ya.

"Ah!" Daing ko.

Feel ko dalawa na bukol ng pwet ko! Huhu! Susumbong ko 'to kay Tito Atlas!

"Oh? Bakit nandyan kayo?" Inosenteng tanong ni abigail.

Sumimangot naman ako. Tsk! Masyado siyang brutal!

"Sige! Ulitin natin! Action ulit! Si Issy nalang ang kakalampag!" Napatigil ako dahil sa sinabi ni claire.

WHAT THE BREAST!!!!! AYOKOO! HELP! AYOKO PANG MATIGOK! Hmmm...may naisip ako kala n'ya ha!

"Wait abi! I have a idea! What if mag taguan tayo?" Nakangising sabi ko.

"'Diba papasok pa tayo? Sabi n'yo 'yun." Nalilito nyang wika. Nagkatinginan naman kami ni claire at saba'y na ngumiti.

Tumayo si Claire at lumapit kay abi 'tsaka n'ya ito inakbayan. Go!!

"Alam mo cousin, mamaya pa naman 'yun 'e. Pwede muna tayong maglaro." Pangungumbinsi n'ya.

"Hindi na tayo bata para maglaro Anne, kaya tara na at baka malate tayo." Walang emosyon nyang Ani.

Haysss! Kainis! AYOKO na ! Hindi marunong bumanat 'tong Claire na 'to! HUHU.

"Sige Tara na." Nakayukong wika ni claire. Gumaya na rin ako.

-----

ABIGAIL'S POINT OF VIEW.

"Ano bang pangalan ng university na papasukan natin, mga ugok?" Tanong ko sa dalawa na busy sa pagtatanong.

Parang mga kinder na hinahanap 'yung mga ina nila. May lumapit saming girl at boy I guess dito sila nag aaral.

"Hi! Bago lang kayo dito?" tanong ng babae samin.

Lumapit sila Claire at Issy doon sa babae at saba'y na tumango. Ako? Kumuha nalang ng lollipop para may paglibangan.

"Oo! Anong pangalan ng university na 'to?" Excited na tanong ni Issy.

"ACS UNIVERSITY ito miss. Private school." Nakangiti na ani nung babae kaya tumango ako.

ACS UNIVERSITY?

__________________

What's uppppp!!! How are you?, beautiful and handsome! If you don't mind, please vote trip ko lang magpavote hehe. Love you all! Keep safe! And of course keep reading!<33

- PinkyAice - mwua.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now