Prologue

2 0 0
                                    


GABI na ng dumating si Murphy sa condo na tinitirhan nya. Mahigit isang taon na ng mabili nya ito at legal na ng mapasakanya.

"Good Evening Ma'am" tinanguan nya lang ang guard na nag-babantay sa ground floor.

Pagka-pasok ng Elevator ay nag-ring phone nya. At naka-register sa tinuturing nyang pinaka-makulit na lalaki sa buong mundo.

"Anong kailangan mo?" mataray na sagot nya dito.

"Wala. Namis lang kita bawal ba?" napa-irap nalang sya sa hangin dahil ayaw nya magpadala sa matatamis na salita ng lalaki.

"Sino ba nag-sabi na pumunta ka ng Texas? At kasalanan ko ba palagi akong hinahanap ng mata mo!?" aniya pa

"Ang taray mo talaga parang hindi mo ako naging crush noong teenagers pa tayo ah!" palagi nalang nyang binabanggit ang bagay na iyon kapag pinagsu-sungitan nya ang lalaki at bigla naman syang titigil.

"Iintayin kita ayaw ko ng matagal, and pizza please" inintay nya ito na sumagot tyaka pinatay ang tawag.

"Yes my Attorney, I love you" iyon lang at bigla na naman may parang tumambol ng puso nya.

Kaya ayaw ko sayo, hindi ko ma intindihin ang puso ko"

Pag-pasok sa condominium ay nag-half bath lang at inaral ang mga case na hawak nya.

May Murder Case sya na hawak at napaka-labo pa nito at wala pa sa 50% ang Evidence kaya naman bawal syang malingat dahil mabigat ang kaso na hawak nya.

Maya-maya ay tumawag naman sa kanya ang kaibigan na Teacher, kapatid ito ni Timothy at halos wala silang pinagkaiba dahil si Michelle ang Girl Version ni Timothy.

"Hindi nyo ba kayang mag-kapatid na mabuhay na hindi ako iniistorbo?" tamad na tanong nya kay Michelle.

"Bakit natawagan ka na ba ni kuya Tim?" tanong nito sa kanya

"Tingin mo?" aniya

"Naiinggit na sayo si Mommy, dahil ikaw lagi ang tinatawagan ng lalaking iyon eh kami ang family nya, ikaw ano ka ba nya?" mabibingi na sya sa kadaldalan ng kaibigan kaya naman nilayo nya ng kaunti ang cellphone.

"Hindi nya ako kaibigan, hindi nya ako girlfriend at mas lalong hindi fling sa madaling salita wala kaming kahit one percent na connection sa isat-isa kaya naman sya nalang ang tanungin mo para malinawan na din ako kung bakit nya ito ginagawa" narinig nya naman ang malakas na tawa nito pati na si Jonathan na kaibigan nya din.

"Parang hindi ka nag-kagusto kay kuya noong high school pa tayo ah" kasasabi ko lang na wala silang pinag-kaiba right?

"Ibang Murphy yun" maikling sagot nya.

"Kung alam mo lang kung gaano ko ka gusto na sana hindi mo nalang nakilala si Von" biglang nagbago ang boses nito at ganun din sya.

Bakit nya pa nga ba nakilala si Von? Ang isang Von Ismael na sisira at wawasak sa puso nya?

Dalawang taon na ang nakalipas at bumabalikat bumabalik pa din sa alaala nya ang eksena kung saan mismong mata nya ang nakakita sa iisang kama si Von at si Sonya na isang malapit na kaibigan nya.

Sinubukan nilang mag paliwanag ngunit hindi nya na ito pinakinggan pa at mas piniling tapusin ang meron sa kanila ni Von. At nabalitaan nya nalang din na buntis na si Sonya at nalalapit na ang kasal nito.

At malaki pa din ang bakas na iniwan ng mga itonsa puso nya na gusto nya ng kalimutan pero sa tuwing maaalala ay nasasaktan pandun sya.

"Sige na may tatapusin pa ako pauwiin ko nalang sya kapag pumunta sya dito" agad nyang pinatay ang tawag nito at nag-iba ang aura nya dahil sa napag-usapan nila ni Michelle.

Pero pinili nya na mag-panggap na mataray at palitan ang lungkot ng marinig ang pag-bukas ng pinto.

It's Always Timothy na hindi marunong kumatok o mag-doorbell man lamang dahil nga alam na nito ang passcode ng pinto nya.

Lumapit ito sa kanya at parang linta kung maka-yakap sa kanya. Halata na pagod ito pero dito dumiretso sa kanya. Sinusuyod nya ng kamay ang malagong buhok nito.

Hindi nya alam kung bakit at home na at home ang lalaki sa piling nya but she kinda like that lalo na kapag sasabihin nito na 'ikaw ang tahanan ko kaya ako nandito'.

"Thanks God, I'm finally home" turan nito at mas lalo pang sumiksik sa dibdib nya.

Wala syang maramdaman na hiya sa pwesto nila dahil hindi nya na din itatago pa na kahit walang namamagitan sa kanila pero sa katawan nila ay meron. Sa katunayan ay si Timothy na din ang naka-kuha ng virginity nya at nangyare yun matapos ang ilang araw na pakikipag-hiwalay nya kay Von. Wala sya sa katinuan ng maisuko nya ang bataan pero hindi nya na iyon inalala dahil wala syang maramdaman na takot.

"Kamusta ang tahanan ko, namis mo ba ako?" tumingala ito sa kanya para makita ang mukha.

"Asa ka naman, hindi mo nga ako binilhan ng pizza may pa yes attorney ka pa tapos wala naman" wala itong dala na pizza kumdi mga groceries lang na alam nya na binili pa nito bago dumiretso sya condo nya.

"Hindi kase yun healthy sa kalusugan mo tyaka nagmamadali na talaga ako makita ka" pabebe pa na sabi nito.

"Kailan mo ba tinigilan ang kalusugan ko? No choice lang ako kase makulit ka" umayos na ng upo ang binata at tyaka tumayo diretso sa kusina dala ang mga pinamiling grocery.

Pinanood nya itong hubarin ang damit pang itaas at tyaka kitang kita ang katawan nito na halos walang maipintas sa kakisigan.

Kahit madaming beses nya na itong nakita at nahawakan ay tila nalulunod pa din sya kapag nasisilayan ang perpektong hubog ng katawan ng lalaki.

Sa totoo lang ay mapalad na nga sya ganitong lalaki ang araw-araw nangungulit sa kanya. Hindi na sya lugi sa katawan at kahit sa mukha ay panalong-panalo na sya,ngunit palagi nyang naiisip na hindi pa ito ang tamang oras para muling magtiwala sya sa pag-ibig.

"Eyes up here babe! Excited ka ba na hawakan? Sabihin mo lang willing ako ipahawak ang abs ko!" nang-aasar pa ang kilay nito.

"Tabs kamo, tchee mag-luto ka na nga lang gutom na ako" hinarap nya ang mukha sa mga papel na nasa lamesa pero alam nya sa utak nya na hanggat nasa paligid nya si Timothy ay hindi na sya makakabalik pa sa konsentrasyon. Lalo pa ng banggitin nito ang palagiang endearment nitonsa kanya.

Heart please lang kumalma ka si Tim lang yan wala ng iba pa.

MAKALIPAS ang kalahating oras, hindi nya alam na nakatulugan nya na ang pag-upo sa sala. Naramdaman nya na nalang ang mahinang pag-tapik ni Timothy sa pisngi nya.

"Wake up babe, kumain ka muna bago ka matulog" tumango nalang sya at tumayo na. Nakahanda na ang mga pagkain at tanging sya nalang talaga ang inaantay.

"Naka-tulog na pala ako! Tyaka bakit sobrang lamig naman ata nilaksan mo ba ang aircon? Hindi naman ikaw ang magbabayad nyan" lumapit nalang ito ng walang pakundangan at dinikit ang kamay sa noo nya.

"Nilalagnat ka na nga ang sungit mo pa, how to be you po?" kinuha lang nito ang medecine kit nya tyaka sya inutusan na kumain.

Kumain lang sya at unti-unti nya na talaga nararamdaman ang bigat ng katawan. Pudpod siguro sya sa trabaho lately kaya nagkasakit sya madaling araw na din sya natutulog at gigising ng alas-sais ng umaga para pumasok sa firm.

Uminom lang sya ng gamot at inalalayan na sya ni Timothy papunta sa kama at doon at tuloy-tuloy na ang tulog nya naramdaman nya nalang na tumabi si Timothy sa kanya dahil yumakap ito mula sa likod nya.

"Im sorry dahil napabayaan kita kung sana hindi na ako nag-tampo at pumunta ng texas naalagaan sana kita, pasensya na baby ko" mahinang bulong nito hindi na lang sya sumagot dahil wala syang lakas. Pero may parte sa puso nya na masaya kapag ganito ang kinikilos ng lalaki.

"Please Let me Unlock your heart" huling sabi nito bago sya makatulog ng mahimbing.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unlocking Your Heart Where stories live. Discover now