Prologue

210 4 0
                                    

"Hey bro! Are you planning to stay here for good?" tanong ni Leandro kay Gray.

Sinalinan ni Gray ang baso nya ng whiskey. "Well, actually, that is one of my options, but I haven't discussed this with my business partner yet." Pinaikot nya muna ang alak sa baso bago iyon ininom.

Napalunok ako ng laway nong makita ko ang pag galaw ng adams apple ni Gray, ang hot nyang tingnan. Sh*t! Ano ba itong tumatakbo sa isip ko?

Huli na para umiwas ng tingin nong makita kong nakatingin sa akin si Gray. Pasimple na lang akong uminom ng alak saka lumihis ng tingin.

Ano bang ginagawa mo Kia? Baka nakakalimutan mong katabi mo lang si Jonas.

"Tell me honestly Gray, is your business partner a woman?" Nakangising tanong ni Jonas.

"So what if she's a woman?"

"I knew it, you're in love with your business partner, that's why you are hesitating to come back."

"Nothings special between us, we're just business partner."

"F*ck you dude! I know your nature, you just love to f*ck," dugtong ng boyfriend kong si Jonas.

"Babe, tama na yan, lasing ka na." Pag ganito na ang ikinikilos ni Jonas siguradong lasing na ito.

Inakbayan ako ni Jonas saka hinalikan sa pisnge. "I love you babe!"

"Babe, umuwi na tayo lasing ka na!" May halong pagbabanta na ang tono ng boses ko.

"Gusto mo lang akong masolo no, babe?" Nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Nong lingunin ko ang mga pinsan nya ay nakatingin sila sa amin. Natatawa sila sa ikinikilos ni Jonas maliban kay Gray na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Jonas, umaayos ka nga, nakakahiya sa mga pinsan mo." Imbes na tumigil ay kinabig ni Jonas ang batok ko at hinalikan ako sa labi.

"Ewwww!" sabay na hirit nina Kristel at Lian.

"T*ng ina mo Jonas! Pumasok na kayo don sa loob at doon nyo ituloy yan sa kwarto ni Jed. Iniinggit nyo pa yong mga single dito." Sigaw ni Leandro. Halatang mga lasing na sila.

Nagtawanan ang mga pinsan nya maliban sa dalawa nitong pinsan na babae at ni Gray na nakapoker face pa rin hanggang ngayon. Alam ko na alam nila kung gaano kakulit itong si Jonas pag lasing

Bumulong si Jonas sa tenga ko. "Babe, bakante daw ang kwarto ni Jed," ngumisi sa akin si Jonas.

"Jonas, hindi na ako natutuwa sa kinikilos mo," pabulong kong wika.

"Okay, okay mag bi-behave na ako."

Umayos naman ito ng upo at ipinagpatuloy ang pakikipag kulitan sa mga pinsan nya.

Tumayo ako sa kinauupuan at nagtungo sa banyo na nasa pool area. Sinipat ko ang sarili sa salamin, tama nga ang hinala ko pumutok ang labi ko dahil sa ginawa ni Jonas. Bahagya kasi itong kumirot kanina matapos nyang halikan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nag apply ng lipstick.

Isa sa mga ayaw ko na ginagawa ni Jonas ay kapag umiinom sya. Madali kasi syang tamaan ng alak at kapag nangyari yon ay napakakulit nya. Hindi lang ito ang unang beses na nangyari, sa katunayan everytime na may bonding sila ng mga pinsan nya ay palagi itong nalalasing. Minsan mas pinipili ko na lang na hindi sumama kapag may inuman, pero dahil birthday ito ng lolo nya ay hindi ako makatanggi, lalo na yong mismong lolo nya ang nag invite sa akin.

Matapos kong magpalamig ng ulo sa banyo ay nagdesisyon na akong lumabas. Nagulat ako nong maabutan ko sa labas ng pinto ng banyo si Gray na nakasandal sa may pader na parang may inaabangan.

I'm Falling IntoWhere stories live. Discover now