Prologue

15 0 0
                                    

A/n: Hello first of all thanks you very much for wasting your time to read this story. I hope you still there until epilogue, I appreciate it very much.

Again this boyxboy story if your not comfortable reading stuff like this feel free to leave. Errors and wrong grammar ahead.

----

Callen pov

"Bilisan mo!" lakad takbo akong pumunta sa gate ng school. Na late ako ng gising kanina. Sinundo ko rin iyong kumag dahil mukang walang balak pumasok.

"Magandang umaga manong!" pagbati ko sa guard. Naka sunod na sakin si Andrex.

"Ano ba kasi 'yan Callen ang aga-aga pa!" inis na sabi ni Andrex.

"Anong ang aga-aga? Late na nga tayo eh magsisimula na 'yong flag ceremony." sambit ko sa kanya. Kamot ulo naman siyang naglalakad ngayon.

Pagdating namin doon ay may nakapila ng mga estudyante. Pumunta kami sa likuran ng mga grade 10.

"Late? Pero hindi pa pala nagsisimula? clout chasing ka rin eh!"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya inayos ko ang polo na medyo gusot. Hindi ko kasi na plantsa kanina sa sobrang madali ko.

"Nasaan na si Aseus siya na lang kulang". Luminga linga sa paligid si Andrex.

"Wala ng maingay magsisimula na tayo." sabi ng president namin.

"Yes po lalove ko!" malokong sagot ni Aseus na kakarating lang. Nagtawanan naman kami. Kaya inirapan siya ni Ashlie ang tinutukoy kong president namin.

"Bakit ang tagal mo? " tanong ni Andrex kay Aseus.

"Ay bakit miss mo ako?" sumama ang mukha ni Adrex.

"Gago! Mabulunan ka sana sa sinasabi mo."

Sinimulan ng dasal ang flag ceremony namin. Na pinangunahan ng isa pang grade 10 student mula sa kabilang section.

"Panatang makabayan iniibig ko ang isa diyan." humagikhik kami ni Andrex sa sinambit ni Aseus. Buti na lang hindi narinig ni Ashlie irap na naman ang aabutin niya diyan panigurado.

Nakapila kaming pumasok ng room lahat. Pero habang nakapila ay nagtutulakan kaming tatlo magkakasunod kasi kami sa pila.

"Ano ba wag mo ako itulak matutumba ako kay president." reklamo ni Aseus.

"Edi 'wag corny mo ugok" sabi ko sa kanya.

"Lakasan niyo pa 'yong tipong pagnahulog ako pati siya mahuhulog sakin." Biglang lumipad ang isang notebook.

"Aray ko po! Sino 'yon sasapakin ko?" reklamo ni Aseus.

"Ako, ano na naman pinagsasabi mo diyan?!" inis na sabi ni Ashlie.

"...ng pagmamahal." dagdag niya pero hindi na siya pinansin ng president.

"deserve" tuwang-tuwa pa si Andrex.

Pagpasok kami ay kanya-kanya kaming punta sa upuan namin magkatabi kami ni Andrex habang si Aseus ay nahiwalay samin.
Bawal daw kasi kaming pagtabihin tatlo kasi daw ang ingay namin. Pero napigilan ba 'yon, syempre hindi. Paano ba naman sa tuwing nakakahanap siya ng tiyempo lumilipat siya sa amin ng upuan.

"Pre may gawa kang essay kay ms. Laura?" tanong ng katabi ko.

"Essay? para saan?" lito kong sagot.

"ay yawa ka wala ka rin gawa!"

"at least 'di ka nag-iisa." tapik ko sa balikat niya.

Sumunod na ang susunod na subject na si Ms. Laura english teacher namin.

Every strum of this guitar (The Blue Band Series #1)Where stories live. Discover now