Chapter 1

8 0 0
                                    


"Nay! nandito na po ako." Sigaw ko pagkarating ko pa lang sa gate ng aming bahay.

Nasa lubong ko naman ang nanay ko na naka-upo sa isang wheel chair. Naparalisa kasi ang dalawa niyang paa matapos ang isang aksidente nila ni papa. Swerte ang nanay ko na nakaligtas siya. Ngunit hindi na kinaya ng papa ko dahil dinadala pa lamang siya sa ambulansya ay nawalan na siya ng pulso. Sinubukan pa siyang buhayin ng doctor pero sa kasamaang palad ay tuluyan na siyang nawala sa amin.

Dalawang taon na ang nakakaraan at nagpapasalamat ako na kapiling ko parin ang nanay ko. Kahit na wala na si papa ay hinding hindi pa rin namin siya makakalimutan.

Naalala ko pa noon na halos magwala ang nanay ko pagkagising niya pa lang sa ospital. Umiiyak ako noon at sinubukan siyang pakalmahin. Sa mga unang linggo halos hindi ko siya makausap. Labis ang kaniyang dalamhati. Ako halos ang nag-asikaso ng lahat. Kasabay noon ang pag-aalaga ko sa kaniya.

Pero makalipas ang tatlong buwan ay nakita ko ang unti-unting pagbabago sa kaniya. Bumabalik ulit siya sa dati. Natanggap niya na sa sarili niya na wala na si papa. Pero alam ko naman na hinding hindi niya kaya ipagpalit si papa sa iba ganoon niya kamahal ang papa ko.

"Anak nasa kusina ako." sigaw niya rin sa akin pabalik. Tinanggal ko muna ang sapatos at medyas ko bago pumasok.

Dumiretso ako ng kusina at nakita ko siyang naghihiwa ng mga gulay. Lumapit ako sa kaniya at agad nagmano.

"Kumusta ang eskuwela?" sabi niya sa mahinahong tono.

"Ayos naman po 'nay." tumingin ako sa hinihiwa niya. Gusto ko sanang sabihin na ako na ang maghihiwa ang magluluto pero alam kong tatanggihan niya ako. Sabi niya wala naman daw siyang halos ginagawa rito.

"'Nay ano pong lulutuin ninyo?" tanong ko.

"Chopsuey ang paborito ng papa mo." ngumiti siya ng matamis.

"Mukhang masarap sige po magpapalit lang po ako." paalam ko sa kaniya bago pumasok sa kuwarto ko.

Nagpalit ako ng isang puting sando at isang short. Kinuha ko ang uniform ko at lumabas sa likuran ng aming bahay.
Binabad ko ang uniform dahil gagamitin ko pa ito bukas.

"Anak! may naghahanap sa iyo!"

"Saglit lang po papunta na!" pinunasan ko ang kamay ko at dumiretso sa gate namin. Naabutan ko si Gio nakatayo sa harap ng aming gate.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"May aalok akong trabaho sayo." sabi niya binuksan ko ang gate at pinapasok siya.

"Upo ka muna."

"Hindi na, saglit lang naman ako." pagtanggi niya sa alok ko.

"Anong trabaho ba iyan?"

"Diyan lang construction kasi may pinapatayong building." panimula niya. "...naghahanap kasi 'yong nagpapatayo ng mga trabahador hindi ba naghahanap ka ng trabaho?" dagdag niya pa.

"Oo eh! kailan ba daw magsisimula?" tanong ko.

"Yown! kulang kasi mga trabahador. Bale sa susunod na araw pa naman."
tumango ako sa kaniya.

"Sige salamat sa pagsabi, kailangan ko talaga dahil nagsimula na kasi ang klase namin."

"Walang anuman pero huwag kang mag-alala tuwing hapon naman tayo. Tutal pang-umaga naman ang klase mo hindi naman siguro matatamaan ang schedule mo."

Nakahinga ako ng maluwag doon akala ko kailangan ko pang lumiban ng klase. Minsan kasi nangyayari na lumiliban ako ng klase dahil sa conflict ng schedule sa papasukan kong mga part time job.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Every strum of this guitar (The Blue Band Series #1)Where stories live. Discover now