CHAPTER 3

282 7 0
                                    

Napatingin ako kay James pagkatapos ko mabasa ang nasa papel ngumiti naman ito saakin.

Sa totoo lang pinag iisipan ko pa kung anong nagawa ko sa kanya.
May mali ba ako nagawa? Ito ang paulit-ulit na tinatanong ko sa aking sarili.

Para matapos na ang lagat ay nag text agad ako sa kanya.

✉️ Hi Sir" ang tanging sinabi ko

Nabalik ang tingin ko sa kanya pagka send ko ng message, nakita ko na binasa nito ang phone niya sabay tingib ulit saakin. Ilan sandali pa ay naka recieved ako ng reply mula kay James.

📩 Iboto mo ako ha!

Yes Tama kayo yan lang ang ni reply niya saakin, honestly medyo malayo ito sa inaasahan ko medyo na disappoint ako.

"lol!ito lang pala ang kailangan ng tao ito bakit kailangan pa i txt" ang mga katagang nasabi ko nalang

Natapos ang Campaign Rally sa isang ceremonial Hand raising at unti-unti nadin nawawala ang mga tao sa Paligid.

Sumabay nako sa mga tao palabas ng gate at nandito ako ngayon sa sakayan ng buss medyo madami kami nag hihintay ng masasakyan pero bihira lamang ang dumadaan.

📍JAMES P.O.V

Lumabas na ako mula sa Back stage sa totoo lang andami ko iniisip sa mga oras na ito andaming gumugulo sa isip ko siguro apektado padin ako ng Breakup namin ni Mich, Mahal ko naman siya pero hindi niya maintindihan na kailangan ko gawin ito para sa Bayan at sa aming pamilya.

Palabas na ako ng backstage kailangan naka ngiti ako at hindi ipahalata sa lahat ang lungkot habang tinatawag ang pangalan ko pansin ko na napakarami nilang nag hihiyawan at nagpapakita ng suporta saakin.

Sabi ng iba ang Pogi ko daw pero para saakin sakto lang 😂.

Nandito ako ngayon hawak ang mikropono at inilalahad ko ang aking mga plataporma ng may isang lalaki ang pumukaw sa aking mga mata, at mula nang mapansin ko siya ay tila gusto ko lagi ito makita.

Ewan ko ba anong nangyayari saakin hindi ako bakla alam ko ito. Sinubukan kong ibaling sa iba ang aking atensyon pero parang may sariling buhay ang aking mga mata na kusang napapatingin sa kanya.

Hindi ko alam bakit parang naging interesado ako sa kanya cute siya oo pero bakit ko ito nararamdaman. Pagkatapos ko mag salita ay bigla nalang pumasok sa isip ko kung pano ko siya makakausap gusto ko mag karoon ng communication sa kanya kaya naman nag isip ako ng paraan kung pano at dito ko na nga ginawa ang plano ko na ibigay ang number ko sa kanya. Honestly hindi ko alam ung sasabihin ko natotorpe ako sa kanya. At nung nag text back na nga siya ang tanging nasabi ko nalang ay "Iboto mo ako"

Ang Importante sa akin ngayon ay nakuha ko na ang number niya.

CAMERA Where stories live. Discover now