CHAPTER 4

2.7K 122 4
                                    

No! Stop thinking nonsense Hartley. Tsaka 'di ako papayag.



Hahanapin ko ang ama ng mga anak ko. Hahanapin ko siya.



Pakikinggan ko ang side niya tsaka ako manghuhusga. Hahanapin ko muna siya.



Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa mga anak ko dahil ayoko rin silang lumaki ng walang kinikilalang ama. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko silang natutulala o naiinggit sa mga mag amang nakikita namin sa napupuntahan naming lugar.



At minsan na ring nagsumbong sa akin si Haizen nung isang araw na pinagtawanan siya dahil wala daw siyang papa.



FLASHBACK~

"Mama, nasaan po ba kasi si papa? " umiiyak na tanong niya habang nakayakap sa akin.



Hinahagod ko ang kaniyang likod upang mapatahan siya. Sinulyapan ko ang mga kapatid niya na natutulog sa tabi.



"Mama, di po ba tayo love ni papa? "



Napako ako sa pwesto ko sa sinabi niya. Bigla ay parang kumirot ang aking puso sa tanong niya. Nasasaktan ako..



Gusto ko ring malaman kung hindi ba tayo mahal ng ama niyo kaya ako lang ang narito kasama niyo.



Hinawakan ko ang magkabilang malulusog na pisngi niya na basa narin dahil sa ka-iiyak. Umangat din ang tingin niya sa akin.



Ngumiti ako, "No, son. I'm sure may dahilan si papa na wala siya ngayon sa tabi natin. Busy siya sa trabaho. Nasa malayo siya. Nasa work siya sa malayong lugar para may pera tayong pambili ng toys niyo, ng gamit niyo, mga kailangan niyo, at ng mga gusto niyo. " but...



Am I.... not enough? Hindi pa ba sapat sa kanila na kasama nila ako? Bakit naghahanap parin sila ng ama? Paano kung iniwan talaga niya tayo kasi hindi pa siya handa na tanggapin kayo, tayo na sarili niyang pamilya?



Bakit?



Tsk. Fvcked that accident! Sinabi ng doktor na hindi magtatagal ang amnesia ko dahil temporary memory loss pero bakit hindi parin bumabalik ang mga alaala ko kahit tatlong buwan na ang lumipas??

The Triplets DaddyWhere stories live. Discover now