Chapter 7: "The Fall of a Queen"

2.2K 82 1
                                    


                Ikinuwento nila kay Randy ang nalaman, sinabi ni Randy na pakikisamahan pa rin niya si Daniel para makakuha ng sapat na ebidensya na ito nga talaga ang stalker ni Hannah. Simula ng araw na iyon ay umiwas na sila rito, kahit kausapin kapag nakakasalubong ay hindi nila ginagawa.

                "Sis, mag c.r. lang ako ah." Wika ni Hannah.

                "Sige, magpapasama ka pa ba?" tanong nito habang hindi tumitingin sa kaibigan, abala sa pagsusulat sa notebook sa lng kanilang classroom.

                "Ah no need na. Tapusin mo na 'yang ginagawa mo." Nagpaalam na siya sa teacher at lumabas na para magtungo sa c.r.Dahil nga hindi pa labasan ay walang estudyanteng makikita sa loob ng c.r., mag-isa lang siyang naroroon, habang nasa cubicle ay nakarinig siya ng pagbukas ng pinto ng c.r. Medyo nakahinga ng maluwag si Hannah dahil may kasama na siya. Pumasok ang kung sino mang tao katabi ng cubicle niya. Ilang sandali pa ay nakaramdam siya na parang may gumagapang sa paanan niya. Nabigla siya nang makakita ng mga ipis sa ibaba niya, kasunod ang isang pagtapon ng isang putting rosas sa paa niya. Napasigaw siya sa takot at mabilis na tumakbo palabas ng cubicle. Hindi niya napansin na may madulas na likido na nakakalat sa sahig at nadulas si Hannah. Bumagsak siya sa at nauntog ang ulo, dahil sa lakas ng pagkauntog ay nahilo siya at nanlabo ang paningin. Dahan-dahang lumabas ang isang tao sa kabilang cubicle, hindi na niya malaman kung sino ito. Lumapit ito sa kanya at napapikit na, kasunod ang mga boses ng estudyante na tumatawag sa pangalan niya.

************

                Pagmulat ni Hannah ay bumungad sa kanya ang isang duktor. Bumangon siya at napansin na nasa clinic pala siya ng school. Naramdaman niyang masakit ang ulo niya at naramdaman na may bukol pala ang ulo niya.

                Niyakap agad siya ni Marjorie. "Oh my God sis, okay ka na ba?" I'm so worried about you!"

                "Yeah, kinda. Medyo masakit lang 'yung bukol."

                "Nadulas ka sa c.r. sis, mabuti na lamang may mga estudyantemg tumulong sa'yo. This is my fault, dapat hindi kita hinayaang mag-isa sa c.r. Tingnan mo tuloy nangyari sayo. Sorry talaga." Naiiyak na sabi ng kaibigan.

                "No, no, no, this is not your fault. I'm just clumsy." Wika nito at naramdaman na parang basa ang palda niya ng malagkit na bagay.

                "Oh what's this?"

                "Sis, nadulas ka sa hair gel, ewan ko ba kung sinong careless na estudyante ang magdo-drop ng gel sa sahig. Ayan tuloy."

                Sumingit na magsalita ang isang duktor. "Uhmm, excuse me. Nilagyan ko na ng cold compress 'yang bukol mo, buti na lang 'yan lang ang inabot mo." Sabi nito.

                Unang beses nilang nakita ang duktor na iyon sa clinic.

                "Uhmm, nasaan na po si Dr. Mendez?"

                "Ah wala na siya, nagresign na noong isang linggo kaya ako na ang bagong school doctor. I'm Dr. Eduardo Salazar. Kung may kailangan ka, tawagin mo na lang 'yung school nurse. Sige maiwan ko muna kayo."

                Sa palagay niya ay nasa edad tatlumpu na ito, medyo matipuno ang katawan, matangkad at malinis tingnan, dahil na rin siguro sa suot nitong puting damit na pangduktor at may napansin din siya. Siniko ni Hannah si Marjorie. "Napansin mo 'yung nakasulat na name tag niya?"

The Case of Hannah Jane LorillaWhere stories live. Discover now