0003

29 6 13
                                    

Sheena Pov:

Nagmeet din kami nung kelan at masaya ako na 11 months na kaming magkaibigan ni Jhan, We already know each other his last name is Vesna and his full name is Jhan Harry Vesna. Lagi niya akong tinutugtugan ng gitara lagi niya din akong kinakantan yung tipong pakiramdam mo lagi ka niyang hinaharana napaka sarap sa pakiramdam nang lagi kang masaya at komportable sa isang tao, na pwede mong sabihin sakanya ang iyong mga sekreto na di man lang nagdadalawang isip na sabihin sakanya.

Pupunta kami sa lapida nila lolo at lola matagal na din kasi kaming di nakakapunta dun nila mama at papa kaya naman bibisitahin namin sila ngayon.

————————————————

Nandito na kami sa sementeryo medyo nahuhuli ako kila mama at papa nang biglang may nakita akong kakaiba.

Nakita ko ang pangalan ni Jhan sa isang lapida binasa ko iyon at ang nakalagay dun ay R.I.P Jhan Harry Vesna.

I-Imposible hindi ito maari patay na siya? Hindi maaring kapangalan niya lang ito imposible ito hindi ito pwede!

Agad kong hinanap ang pangalan niya sa facebook ngunit ang post dun ay about 7yrs ago...

Tinignan ko ang profile niya sa fb kung saan yun din ang nakalagay sa lapida, Bumuhos ang aking mga luha na napagtanto na simula palang nung una ay hindi na kami pwede.

At ang Athena na sinasabi niya, magkatabi lang sila ng lapida kamukhang kamukha ko nga talaga siya.

Ngunit ang hirap tanggapin nakakausap ko pa siya 11 months kaming magkausap imposibleng patay na siya 7yrs ago.

GitaraWhere stories live. Discover now