HTBC 02

1.4K 63 38
                                    


CHAPTER 02

Dona...

Until now, nagpaulit-ulit sa aking isipan ang pagtawag niya sa akin.

Dona...

He is so cold, ngunit noong banggitin niya ang pangalan ko ay napakalinaw at halos hindi ko mapigilang hindi kilabutan. Pero nakakapagtaka... Dahil tanging si Lolo lang ang tumatawag sa akin sa pangalan kong iyon.

Dona...

Ah! Hindi ako makatulog! Alas onse na ng gabi pero gising na gising parin ako. Paano niya ba kasi nalaman ang pangalan ko? Kahit na boyfriend siya ni ate ay hindi naman magagawa ni ate na banggitin ako sa mga kasamahan niya lalong-lalo na sa boyfriend niya.

She hated me since the day I was born.

"Vixen kakain na!" katok ni manang Lilia sa aking pintuan linggo ng umaga.

Ilang araw na din simula nong may nangyaring gulo, at ilang araw na din simula ma hindi ko nakikita si Ino na syang ipinagpasalamat ko. Of course, hindi alam ng mga magulang namin. Ni hindi nila alam na may nobyo si ate at mas lalong hindi nila alam ang lahat.

Mabilis kong tinapos ang paghihilamos at lumabas na. Sinasampal-sampal ko pa ang sarili dahil panay ang hikab ko patungo sa dining table.

"Nandyan na ang Mommy at Daddy mo, hinahanap ka" tumango ako kay Manang at sumunod sa kanya.

Nadatnan ko sila na kumakain sa. Tumabi ako kay ate at kumain na din na parang walang nangyaring gulo sa aming dalawa. Ganoon naman talaga, palagi.

Tahimik ang lahat hanggang sa nabasag ang katahimikang iyon noong nagtanong si Mommy tungkol sa kukuhanin kong course sa college.

Agad umakyat ang kaba sa aking dibdib.

"So what's your plan Vixen? Sa next month na ang enrollment." natigilan ako sa pagsubo ng pagkain.

Oo nga pala at magko-kolehiyo na ako, panandalian iyong nabura sa isip ko dahil sa mga kaganapan nitong mga nakaraang araw. Bumuntong hininga ako at dinilaan ang pangibabang labi.

"Mommy-"

"Isang taon nalang at ga-graduate na ang ate mo bilang architect,"

"Magmamadre po ako ako Mom-"

Halos maibuga ni ate ang kanyang iniinom na juice. Napahawak siya sa kanyang tiyan habang tumatawa na parang wala ng bukas. Napalunok ako at napapikit ng marahan.

"Oh my God!"

May nakakatawa ba?

Gusto ko iyong itanong sa kanya ngunit naduduwag ako lalo na at masama ang tingin sa akin ni Mommy samantalang si Daddy naman ay parang walang narinig at patuloy lang sa pagnguya ng kanyang kinakain.

Nawalan ako ng gana bigla kaya bahagya kong inatras ang plato at sumandal nalang sa upuan.

"Mag-mamadre ka Vixen, nababaliw ka na ba?"

"Yeah, she's totally crazy!" halakhak ni ate Helena.

I sighed ang gritted my teeth.

"Vixen tinatanong kita!" sigaw ni Mommy na nagpaangat sa akin.

"You're the heiress of our family, and you're meant to inherit the company. Your Lolo desired that you run the Ramos Real Estate, nahihibang ka na ba Vixen anong magmamadre?! Hindi ka magmamadre!"

Nagulat ako sa kanyang sunod-sunod na sinabi. Anong ibig niyang sabihin na ako ang magmamana ng kumpanya? Diba dapat ay si Ate Helena dahil siya ang unang anak?

Hiding The Beast's Child Where stories live. Discover now