CHAPTER 57

1.3K 32 1
                                    

A/N : Pov muna ni steven ngayon hindi ko pa kase malagyan ng POV si floricel hindi ko mabasa kung ano ang iniisip nya.


Chapter 57


THIRDPERSON POV



Gaano nga ba talaga kahirap mag move-on o kalimutan ang isang pangyayari sa buhay mo. Isang Buwan? Dalawang Buwan? o baka naman Isang taon? pwede ring dalawang taon?. Meron din namang mga tao na kahit gaano pa katagal hindi nila makalimutan ang masamang mga nangyari sakanila.


STEVEN'S POV





"Floricel Tatlong taon na bakit hindi mo harapin si ryu mahal ka nong tao kaya matatanggap ka nya matatanggap nya kung ano man ang nangyari sayo"

Mahabang sabi ko sa naka tulalang si floricel pero hindi manlang nya ako nilingon. Tatlong taon na syang ganyan palaging naka tulala paminsan minsan lang sya mag salita. pero may mga times naman na nakangiti sya. lumipat na kami ng bahay dahil ang sabi ng doctor hindi daw makaka buti kay floricel ang lugar na masyadong tahimik.

Kaming dalawa lang ang mag kasama sa bahay. Pero walang kahit na anong namamagitan saamin. Yong araw na hinalikan ko walang nangyari non. pag katapos mong halik na yon tumawa lang kami ng tumawa na parang mga baliw. Hindi ko rin alam kong bakit ko yon ginawa non pero mukang naka tulong naman yon sa kanya dahil simula non hindi na nya tinangkang mag pakamatay tumigil na rin sya sa pag iyak gabi-gabi. ang problema palagi syang tulala.


"pano kung ayaw na nya sakin? Pano kung alam pala nya ang nangyari sakin? pano kung may iba na syang mahal ngayon? pano kung may pamilya na sya? pano kung nandidiri sya sakin ngayon dahil sa nangyari?"  sunod sunod na tanong nya na ikina tigil ko.

Hindi nalang ako sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong nya. dahil wala narin naman akong bakita kay ryu at sa mga millazo. pero isa lang ang sigurado ako palaging pinapanood ni ryu si floricel sa malayo dahil pakiramdam ko palaging may naka tingin sakin at kapag niyayakap ko si floricel pakiramdam ko mga matang masamang masamang  nakatingin sakin at gusto akong balatan ng buhay..


"Pero pano kung nanjan lang sya pinapanood ka sa malayo inaantay kang maging handa na makita sya ulit?" balik na tanong ko. ngumiti lang sya ng mapait at lumapit sakin.



"Sana nga ganon.." nakangiting saad nya kinuha ang necktie sa kamay ko at sya mismo ang nag lagay non. sanay naman na kase akong syang ang nag aayos ng necktie ko bago ako pumasok sa trabaho. For the third time  nararamdaman ko nanamang may taong nakatingin saamin ng masama. bakit kase hindi pa sya lumabas sa pinag tataguan nya at kausapin nalang nya ang pasaway na babaeng nasaharapan ko para hindi sya mamatay sa selos.

"Where's Seven?" tanong nya pag katapos ayusin ang necktie ko.


"Nasa labas nag lalaro" sagot ko.

Si Seven ay anak ng kuya ko pero namatay silang mag asawa kaya naiwan sakin ang anak nila. isa rin si seven sa naka tulong kay floricel simula nong inampon ko si seven medyo ngumingiti na sya.

"Sige na ako ng bahala kay seven. baka malate ka pa sa trabaho mo. balita ko rin may bago ka nanamang secretary bawasan mo ang pagiging masungit baka maka hanap ka ng katapat mo patay ka." napailing iling nalang ako sa sinabi nya.

MAFIA SERIES 1 : FALLING IN LOVE WITH A MAFIA BOSS (COMPLETED)Where stories live. Discover now