Kabanata 23

48 7 0
                                    

Napabuntong hininga nalang ako. Panibagong makukulit. Ayoko sa makulit 'no. Share ko lang, bawal ba? Tss.

“Abigail Clei, Abi for short.”

Ngumiti sila nang malaki at saba'y na yumakap sa aking hita. Hayss...

“Ikinagagalak ka naming makilala, Noona Abi!” Sabay pa nilang Ani.

Humiwalay sila sakin at pumunta sa kanilang ina? Yup, Ina. Kung wala ako dito masasabi kong perfect family na sila.

Ngumiti ako peke at saka sila tinalikuran. Ngayon lang ako naingit ng ganto. Siguro nga kung nandito si Ina. Perfect family na kami, kaso haha! Wala dito si Ina!

“Bye, Noona!”

Umakyat na'ko sa itaas. Ayoko na humaba pa ang usapan, kung sila lang ang mag uusap. Wala rin kwenta iyon. Makatulog na nga.

“Wait! Hintayin mo'ko!” Sigaw ng kung sinong lalaki.

Blehh! Habulin mo'ko!”

Huminto ang lalaki sa harap ng mansion. Lumabas ang isang matandang babae.

Senyorito, Tama na daw po ang paglalaro utos ng iyong ina.” Pagsasaway ng babae rito.

Nandito lang ako sa gitna ng kalsada. Pumasok ang batang lalaki sa loob ng mansion nila. Nilingon ko ang batang babae na naghihintay ata sa lalaking pumasok sa mansion? Siguro ay kalaro niya ito. Naging galit ang emosyon ng kanyang mukha hindi katulad kanina na masaya. Nagulat ako nang kumuha ito ng bato at binato sa bintana ng mansion.

Basag ulo ata hanap nitong batang ito.

Lumabas ang matandang babae, bago ito. Madaming alahas na suot, Lumapit siya batang babae na galit ang mukha. I'm fucking shock dahil pinalo ng matandang babae 'yung bata!

“Hindi ba sinabi ko na bawal kang makipag laro sa anak ko! Isa ka lang anak ng maduming babae! Hindi ka karapat dapat na maging kalaro ng anak ko!” Sigaw nito.

Hindi natinag ang batang babae. Mas nagulat ako nang itulak ng batang babae ang matanda! Go baby!

Dinuro n'ya ang matandang babae at sinabingTandaan mo, kukunin ko lahat ng kayamanan na pinagmamalaki mo ngayon. Magmamakaawa ka sakin na ibalik iyon tandaan mo 'yan, Cristal.” Seryoso banta ng batang babae.

“ABIGAIL!”

Napadilat ako nang agaran dahil sa sigaw ng kung sino. “Bakit ba?!” Inis kong sigaw sakaniya.

“Tangina kasi!”

Tumango lang ako. Nakakainis gusto ko siyang sapakin at baliin ang katawan niya dahil inistorbo niya ang tulog ko.

“Yung Girlfriend ko, Abi! Mapapahamak siya!” Sinipa niya pa 'yung upuan na paborito ko. Binato ko naman siya ng unan.

“Lalabas nalang ako.”

Sinabi ko na sa mga katulong na handaan ako ng paliguan. Nang matapos ay pumunta na'ko sa paliguan at nagbabad. Pumikit ako at dinama ang init ng tubig.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now