Chapter 06

64 6 5
                                    

Next morning, maaga akong nagising dahil magsisimba kami nina lola.

"I'm done na po," tumayo na ako at saka kinuha na ang pinggan ko para ilagay na sa lababo.

"Maliligo na po ako, excuse po." Paalam ko sa kanila bago maglakad papuntang kuwarto para kunin ang towel ko.

After kong maligo ay nagbihis na agad ako ng yellow dress ko na below the knee. Matapos 'yon ay pumunta ako sa harapan ng salamin para tignan ang repleksiyon ko. Mas lalong nangibabaw ang puti ko dahil sa suot kong yellow dress.

Nang matapos akong makapag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko at pumunta na sa sala para kunin ang flat shoes ko.

"You're so beautiful in that dress, apo." Puri sa akin ni lolo.

"Thank you po, lolo." Sabi ko at nginitian siya.

Exact 8:00 nang makarating kami sa simbahan. Halos katatapos lang din ng first mass kaya pumasok na kami sa loob upang maghanap ng mauupuan.

Ilang minuto ang hinintay namin bago magsimula ang misa.

Buong misa ay kay Father lang ang atensiyon ko. At nang matapos ang misa ay nagpaalam muna ako kina lola na magsi-cr muna.

"Bilisan mo, hintayin ka na lang namin sa labas." Wika ni lola.

Palabas na ako ng cr nang may mabangga akong babae.

"I'm so sorry po," magalang na paumanhin ko at saka yumuko.

"No, it's okay." Aniya at mahinang tumawa.

"Ahm, una na po ako. Sorry po ulit." Yumuko ulit ako ng isang beses bago tuluyang lumabas ng cr.

Naglalakad na ako papunta kina lola nang masalubong ko si Clark. Kung minamalas ka nga naman.

"Oh, hi Tofu!" Napa irap naman ako. "Ang sungit mo naman, nasa simbahan ka oh,"

"So?" Tipid na sabi ko.

"Soso mo lubog?" Nanlaki naman ang mata ko.

"Pervert!" Sigaw ko, natawa naman siya.

"Clarkson Benavidez! Anong kaguluhan na naman 'yan?" Tinig noong nasa likuran ko.

"A-Ate.." bulalas niya.

"You are the girl kanina, right?" She asked, I nodded. "Anong ginawa sa 'yo ng lokong 'to?"

Tumingin naman ako kay Clark na masama ang tingin sa akin.

"Don't look at her like that." Pagbabanta niya sa kapatid. "Tell me, what did he do to you?" Ulit niyang tanong sa akin.

"Sinabihan niya akong—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita si Clark.

"Tara na ate, hinihintay na tayo nila mom sa labas." Aniya, sinamaan naman siya ng tingin ng ate niya.

"Mauna ka na roon, sunod na ako." Sagot naman ng ate niya.

Inis namang kumamot sa ulo si Clark bago umalis.

"Kung ano man ang sinabi ng loko na 'yon ako na ang humihingi ng tawad. By the way, I'm Charlotte Benavidez and you are?" Tanong niya.

"Min-jo," sagot ko.

"Half Korean?" Umiling naman ako.

"I'm pure Korean po."

"Oh, c'mon! Drop the po, masyado mo naman akong pinapatanda eh." Natatawang saad niya.

"Nice meeting you, Min-jo." Nakangiting saad niya saka naglakad na paalis.

Pagka-alis niya ay sumunod na rin akong lumabas.

"Why you took so long?" Tanong ni lolo.

"Nasalubong ko po kasi 'yong classmate ko sa cr kaya nagkwentuhan po kami saglit." One truth and one lie.

"Is that so?" Tumango naman ako.

"Saan niyo gusto kumain?" Tanong naman ni lola.

"Doon po sa favorite restaurant ni lolo." Sagot ko.

Pumayag naman sina lola kaya nagtawag na kami ng tricycle para pumunta roon. Hindi naman 'yon sobrang layo eh, siguro wala pang 1 minute nandoon na kami.

At nang makarating kami roon ay agad nang nagbayad si lola sa driver at saka bumaba na kami at pumasok na sa loob.

Tahimik lang akong nakaupo nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at pagkatingin ko ay mayroong text si Clark.

From: Clark

Sinusundan mo ba ako?

Kumunot naman ang noo ko at luminga-linga sa paligid. At nahinto na lang nang magtama ang paningin namin ni Clark. Inirapan ko naman siya at binalik ang mata sa cellphone ko para reply-an siya.

To: Clark

Asa ka naman

Pagka-send ko noon ay pataob kong nilapag ang cellphone ko dahil dumating na 'yong in-order namin.

Hindi ako makakain nang maayos dahil ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.

"Apo, bakit parang wala kang gana kumain?" Nag-aalalang tanong sa akin ni lola.

"A-Ah ano po kasi, nagwa-warm up pa lang po ako," palusot ko. Nawiwili ka nang magsinungaling, Min-jo.

Natawa naman sina lola. "Ganoon ba, apo?" Tumango naman ako.

Sumulyap naman ako sa table nina Clark, nakatingin pa rin ang loko! Iniwas ko na lang ang tingin ko at pinilit na binalewala ang mga titig niya.

Matapos akong kumain ay nagpaalam muna ako kina lola na pupunta muna akong cr.

Habang naglalakad ako papuntang cr ay naramdaman kong sumusunod siya sa akin. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi siya pinansin.

Matapos akong umihi ay nag-flush muna ako bago lumabas ng cubicle para maghugas ng kamay. And after noon ay nagpa-cute muna ako sa salamin bago lumabas.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Clark na nakasandal sa gilid.

"W-What are you doing?" Tanong ko.

"Crush mo ako 'no?" Deretsong tanong niya.

Sarkastiko naman akong tumawa.

"Lakas naman ng apog mo." Wika ko.

Mabilis naman ang naging galaw niya at ngayon ay nakakulong na ako sa braso niya.

Ito na naman 'yong kakaibang feeling. It feels like there's a butterflies on my stomach and my heart starts beating so fast.

What the hell is happening to me?

"Eh bakit nandito ka?" Tanong niya at tinaasan ako ng kilay.

"Why? Masama bang dito rin kami kumain? Hindi porke't dito rin kami kumain ay may gusto na ako sa 'yo?" Tanong ko. "Sa iyo ba itong restaurant na 'to para ipagdamot mo?" Tuloy ko. "Baka nga ikaw ang may gusto sa akin kasi habang kumakain ako nakatingin ka sa akin," I teased him.

Mabilis naman siyang lumayo sa akin habang suot ang disgusting face niya.

"Yuck! Kapal mo." Napahalakhak naman ako nang mag-walk out siya.

Alam ko na ang kahinaan mo, Clarkson Benavidez.

"Tara na, uwi na tayo." Aya ni lola.

Lumabas na kami ng resto since nakapagbayad naman na sila kanina habang nasa cr ako.

Pagka-uwi namin ay dumiretso na ako sa kuwarto ko at inihiga ang katawan ko.

Monday na naman bukas, hays. New bardagulan with Clarkson Benavidez na naman.

He's my Favorite BullyOnde histórias criam vida. Descubra agora