Kahibangan
Heto na naman ako
Sumasaya sa di sigurado,
Laging umaasa na siya na ang binigay ni kupidoUmiikot na naman ang mundo ko
May pinapangarap na naman akong bago
Di pa ba ako natututo?Umaasa na sana
Higit pa sa kaibigan ang ibigay mo.
Nag aantay, nag aabang sa sagot moTama na!, titigilan ko na to
Mga kahibangan di naman magiging totoo
Alam ko naman ang sagot mo,di lang ako makuntentoKahit hindi mo sabihin,
Alam kong ayaw mo saakin.
Ako lang naman ang nagpupumilit na mahalin.Kahit pagbalik-baliktarin man ang mundo,
Di talaga ako ang gusto mo.
Hanggang kaibigan lang talaga ang turing mo.Wala nang saysay ang mga tulang ito,
Dahil sa umpisa palang ay talo na ako.
YOU ARE READING
TULA PARA SAYO
Poetry"Mahal kita pero tama na " Mahal kita,Mahal mo siya! Ang sakit diba? Nakatitig ka sa kanya habang ako ay nakatitig sa inyong dalawa. Wala akong magawa kundi ang lumuha, Lumuha habang nakikitang kitang masaya na sa piling ng iba. Ang saklap no? Ma...