Chapter 24

30 5 0
                                    

🌼🌺♥️

Kanina pang tawa ng tawa itong si Zack dahil sa hindi ako makalakad ng maayos

Ang sakit parin kase. Halos hinihila ko nalang ang kanan kong paa at pag katapos naman ay ang kaliwa naman ang hihilahin ko

Pumasok na ako sa banyo para mag hilamos pero mukhang sa ligo ang punta

Pag katapos maligo mag bihis ay bumaba na kami ni Zack

Nasa hagdan palang kami ay rinig ko na ang malakas at malukutong na mura ni Criza

Kaya napa kunot ang noo ko ng makita siyang may hawak hawak na sandok

"Eh ikaw na kaya mag luto!" Sigaw niya

"I-Ikaw na" naka yukong sabi ni Carter kay Criza

Napatingin naman ako kay Rjin na nag ce-cellphone pangiti ngiti at pa iling iling ang ulo

"Good morning" paos na sabi ko

Bakit ngayon pa ako na paos. Buysit kasing tong si Zack. Taka silang tumingin samin at bumalik sa ginagawa nila

Nang makita naman ako ni Carter ay nag pipigil ng tawa pero agad rin iyon nawala ng tumingin siya kay Criza

Dahan dahan ang ginagawa kong pag upo si Zack naman ay alalay lang

"Ano bang nangyayare sa inyo?" Tanong ko kina Carter at Criza

"Eh ito eh!" Sigaw ni Criza sakin at itinuro si Carter "diba inuuna yung bawang pangalawa ang sibuyas!?"

"Eh sige na unahin mo na ang bawang" naka ngusong sabi niya

"Yon lang!?" Halos binuhos ko na ang lahat ng boses ko dahil sa pinagaawayan nilang dalawa

"Honey heto na ang almusal mo" naka ngiting sabi sakin ni Zack sabay kindat

"Tumigil tigil ka!" Sigaw ko naman sa kanya

"Ngapala may tanong ako" bigla kaming napatingin kay Rjin

"Ano yon?"

Tanong naming lahat sa kanya. Umupo naman si Zack sa tabi ko at maging sina Carter at Criza ay umupo narin

"Anong movie yung pinapanood niyo ang ingay!" Sabi niya na ikinanlaki ng mata ko

Nakalimutan ko yatang may mga kasama kami. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Zack maging si Carter

Sinamaan ko ng tingin si Zack at kinurot ang hita niya

"Bakit ano bang meron kagabi? Hindi ko naman narinig eh naka earphones kasi ako" tanong samin ni Criza

"Huwag kang magalala gagawin rin natin yon" naka ngising sabi ni Carter kay Criza sabay kindat pa

"Ano ba yun?"

"W-Wala kain na tayo" sabi ko

Patay ka talaga sakin Zack Fernandez

Carter POV

Tangina ba naman kasi

—FLASHBACK—

"Mag luluto muna ako" sabi ni Criza at pumunta ng kusina

Sumunod naman ako at nakitang nag hahanda na siya sa mga lulutuin niya

"Tulungan na kita" sabi ko at hiniwa na ang bawang

Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihiwa ang manok hindi ko alam kung ano ang lulutuin niya bahala nalang basta siya ang nag luto kakainin ko pa kahit anong kinalabasan

My Idol Is My Boyfriend [Editing]Where stories live. Discover now