Chapter 26

326 28 8
                                    

Justin's POV

Ken walked through the cafe and saw me wiping the tables, "Akala ko nakauwi ka na?" Ken asked.

"Nagulat ako bwiset ka!" Gulat kong sabi

"Matatapos na rin naman ako, konting punas na lang tsaka inventory, bakit?" Sagot ni ko ng hindi tumitingin kay Ken.

"Wala lang, napadaan lang ako akala ko kasi sarado na kayo, nakita kita nag pupunas ng mesa kaya pumasok ako mukha kang..."

"Ano?" Nakakaba kong tanong

"Mukha kang engot..."

Dahil sa sinabi sakin ni Ken, nakatanggap siya ng hampas galing sakin. "Joke lang joke lang!" habang tumatawa.

"Nga pala, ikaw ba naglagay ng number dun sa locker ko before, nung graduation day?" Tanong ko at humarap kay Ken.

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

"Eto oh" Pinakita ko naman ang message at ang number ng katext ko.

Kinuha naman agad ni Ken ang cellphone at binasa isa isa ang messages ko.

"Justin"

"Ano?" Sagot ko.

"Ang, ang landi mo, Hindi kita pinalaking ganyan" tinuro niya si Justin habang ang isang kamay ay nakahawak sa dibdib. As usual makikisakay nanaman ako sa kalokohan niya.

"Tanga!" Binatukan ko naman si Josh. "Wag kang painosente dahil ikaw ang nagturo sakin niyan!"

"Ew!"
"Pero seryoso, hindi ako yun tsaka ano ka ba hindi tayo close dati diba" that make sense

"Nasan nga pala sila Stell?" Umupo naman si Ken sa lamesa.

"Umalis ka nga dyan! kakapunas ko lang niyan!" habang tinutulak si Ken. "May inasikaso daw sila, opening daw ata ng panibagong branch kasama si Josh."

"Naks, umaasenso ah"

After fifteen minutes ay sinara na namin ang shop, "Uuwi ka na ba?" tanong ni Ken.

"Hindi, mag gogrocery pa ako"

"Samahan kita!" Ken cling my arms.

"Gaga 'wag na! bubugnutin mo lang ako lalo, kung ano ano nanaman dadamputin mo don tapos ako nanaman magbabayad! Kulang na nga budget ko eh" reklamo ko.

"Ang kapal mo naman!" Ken rolled his eyes.

Nag aasaran pa kaming dalawa ng biglang may tumawag kay Ken. "Hello?"

"Oh pre, bakit?"

"Jah, alis na ako si Aron tumawag may emergency daw" Habang inaayos ang gamit niya

Sige, ingat wag kang tatanga tanga ha!" Agad naman siyang nagtaray

I walked through the aisle with the cart, "Hmm, di ko naman kailangan ng mga chichirya, pero paano pag wala na akong makain? Pero gastos lang yon, pero sige na nga" Sabi ko sa sarili ko, bat ba

Nilalapag niya na ang mga pinamili niya sa cashier, "2,560 po lahat."

Pagkatapos kong bayaran ang pinamili ko ay agad na akong pumunta sa bus station at sumakay.

❛Locker Notes❜ | SB19 Joshtin #1Where stories live. Discover now