[2] Fifty

55 4 1
                                    

Lanna

I was wearing a red cocktail dress with my nude high heeled pumps. I liked how comfy it was and hugged on my body kahit na medyo daring ang damit at masyadong exposed ang skin ko. Naka-french bun hairstyle ko kaso, sumasakit ang anit ko sa ulo kaya unti-unti kong tinanggal ang pins at hinayaan itong nakalugay.

Nakasakbit naman sa balikat ko ang silver dior shoulder bag habang tinatahak ang daan papasok sa isang VIP room.

Ezekiel texted me and was apologetic to me when he couldn't pick me up. May inuutos daw sa kanya mismo ang lolo nito. Hindi niya raw matanggihan ang matanda.

Okay lang naman iyon sa'kin, kaso kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam ang gagawin, sa totoo lang. Maraming tanong sa isip ko kung bakit pati ako invited sa dinner nila. Nagulat na lamang ako isang araw na may isang butler lumapit sa'kin at binigyan ng invitation card para sa Laurent family dinner party.

Nalula ako nang malaman ko kung sino nagpadala ng invitation.

It's none other than Charles Ethan Laurent, the headmaster of our school. Ang lolo ni Ezekiel.

But why so sudden?

Iyon pa rin ang laman ng isip ko habang tinatahak ang pasilyo nang makita si Ezekiel na nasa labas ng pintuan ng VIP room na halatang may hinihintay. Tahimik ko naman itong pinasadahan nang makitang napadako ang tinigin nito sakin.

He looked so dashingly handsome in his tuxedo as he started to make his way towards me. His steps were confident and precise. Naka-specs rin ang lalaki na mas lalo nakapagdagdag attractive sa kanya. Lalo na't sobrang seryoso ng mukha nito.

His dark brown eyes held my gaze. It gave me butterflies in my stomach as my heart pounding so hard in my chest.

Agad na pumulupot ang mga braso niya sa bewang ko bago ako hinalikan sa noo.

"You look so stunning, Lanna!" he said huskily in my ear.

Pahilim akong kinikilig at tinago ko ang ngiti. Medyo kinakabahan pa rin kasi ako.

"Ikaw rin, beh. Ang pogi-pogi mo ngayon. Nakaka-turn ka lalo," puri ko.

Siya naman naman ngayon ang nagpipigil ng ngiti habang nakataas ang kilay sakin.

"Beh?"

"Beh," tinaasan ko rin siya ng kilay.

He just chuckled and shook his head.

"Jejemon," he muttered under his breath.

I laughed.

Totoo naman kasing jejemon. Eh, bakit ba? At least, nabawasan yung kaba ko.

"I'm sorry. Hindi kita nasundo," hinging patawad niya.

"No worries."

"Let's go inside. They're waiting for us."

Hinawakan niya ang aking kamay atsaka hinila papasok sa loob. Nagsimula na naman ulit akong kabahan nang pinagbuksan kami ng pintuan ng butler.

Suddenly, I felt like my heart was in my throat when an unfamiliar faces turned at our direction. Some of them dropped their curious eyes on me.

Parang may kakaiba sa mga tingin nila sa'kin.

I gulped inwardly. Bakit ang dami nila?! Bakit parang isang batalyon sila? Feeling ko nga aabot hanggang bente ang nasa loob ng VIP room.

I was even a little shock to see Crissy here. She's gorgeous and stunning on her strapless evening dress. Naka-smokey make up din siya, di katulad ko na sinimplehan lang ang make up.

Don't Ignore Me, Ezekiel!Where stories live. Discover now