Una

793 55 25
                                    

Madilim ang paligid, yon ang sumalubong sakin pagkamulat ng aking mga mata. Pamilyar ang pakiramdam na ito.

"Ang galing mo pare, nahuli mo ang mailap na binibini"

Sabi ng isang lalaki, kasunod nuon ay ang malalakas nilang tawanan.

Napabalikwas ako ng bangon, at habol hininga na nahapahawak sa aking dibdib. Tagaktak ang pawis sa aking noon at leeg, ramdam ko rin ang panlalamig ng aking kalamnan. Ang mga luha ko ay kusang bumabagsak.

Muli isang masamang panaginip ang gumising sa akin. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili,hindi ko alam kung pang ilang beses na ako gumigising na nasa ganitong sitwasyon. Iisang panaginip ang gumising sa akin at nag paparamdam ng ganito. Napatingin ako sa aking mga kamay at nanginginig pa ito. Kailan ba matatapos ang bangungot na ito?!

Tumayo ako at dumiretsyo sa banyo para maligo, para rin mapakalma ang aking sarili. Nang matapos maligo ay muli akong naupo sa kama, napatingin ako sa orasan na nakapatong lang sa aking bedside table at nakita na alas tres na ng madaling araw. Hindi na ako dinalaw ng antok at ayaw ko na rin matulog. Sa tuwina ay ganito ang nangyayari, magigising ako pagkatapos ng panaginip na iyon at di na muling makakatulog.

Napatingin ako sa aking cell phone ng mag ring ito, matagal ko lang itong tinitigan hanggang sa mawala ang tawag. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong sagutin, huminga ako ng malalim at kinuha ito, nakita ko si Mama na may 3 missed call. Suguro ay kanina pa sya tumatawag nuong naliligo ako. Nang muling mag ring ay muli ko lang tinitigan ang screen ilang segundong pinag isipan kung sasagutin ito, sa huli ay sinagot ko rin.

"Hello" mahinang sabi ko sa kabilang linya.

"Hello, Anya anak" boses ni Mama iyon. Kalmado ito katulad ng dati.

"Hmmm, bakit kayo napatawag alas tres na ng madaling araw" sabi ko.

"Anya, baka pwede umuwi ka muna. Sinugod kasi namin sa ospital si Nana dahil nahihirapan huminga" sabi ni Mama, hindi ako kumibo sa sinabi nya matagal na katahimikan din ang nangyari, siguro ay tinitimbang nya ang nararamdaman ko.

"Anya, umuwi ka muna kailangan ka ng An-"

"Hindi ako makakauwi" malamig na sabi ko, rinig ko ang malalim na pag buntong hininga ni Mama sa kabilang linya.

"Anya, please" pakiusap ni Mama pero pinatayan ko lang sya ng phone.

Muli ay isa isang nag balikan ang masasamang ala-ala, kasabay nito ay ang pag agos ng aking mga luha.


***

Hindi ko alam kung ilang beses na akong nakatitig sa ospital na nasa harapan ko, hindi ko alam kung bakit ako nandito. Matagal akong nakipag talo sa sarili tungkol dito.

Napatingin ako sa hawak ko na mga prutas at pagkain kila Mama, hindi ko mapag desisyunan kung papasok ba ako o hindi. Alam ko naman ang room kung nasaan sila Mama, tinext nya kagabi pagkatapos namin mag usap kung asan sila at ang room nila. Siguro ay umaasa sya na pupunta ako kahit na sinabi ko naman na hindi. Pero sa bandang huli ay napag pasyahan ko rin na pumunta.

Huminga muna ako ng malalim, bago nag lakad papasok sa nasabing ospital. Mabagal ang lang akong nag lalakad at tinatansya ang bawat hakbang. Nang nasa pinto nang kwarto kung nasaan sila Mama ay nakatitig lamang ako sa pinto, hinihintay kung kailan ako magiging handa na buksan ito. Dahil alam ko na sa oras na buksan ko ito ay bibigat lamang aking dibdib.

Nakatayo lamang ako sa harap ng pinto nang bigla itong bumukas, gulat ang rumehistro sa mukha ni Mama ng makita ako, gulat na unti-unting napalitan ng masayang ngiti.

"Anya" nasayang sabi nya, pilit akong ngumiti dahil sa saya na nakita ko sa mukha ni Mama. Niyakap nya ako at saka hinatak papasok ng kwarto.

Nang makita ang bata na nakahiga ay nawala ang ngiti ko.
Wala naman na itong oxygen pero meron nakatusok sa kamay nito, pero kung titignan ay mukang ayos naman na ito.

"Ate Anya!" Masaya at malaki ang ngiti na bati nya, pilit na ngiti naman ang ibinigay ko dito.

"Akala ko Ate hindi mo ako dadalawin" masaya na sabi nya, ramdam ko ang panginginig ng kamay ko ngunit pilit kong pinapakalma ito.

Lumunok ako at napatingin kay Mama, ngumiti lang sya at tinulak ako papunta kay Nana umiling ako at pilit na nilalabanan ang pag tulak nya.

Ano paba ang gusto ni Mama? Eto na ako at pinag bigyan sya sa gusto nya pero bakit tila gusto nya pa na lumapit ako?

Narinig ko ang pag bukas ng pinto, napatingin doon si Mama kaya nawala ang atensyon nito sa akin. Nag karoon ako ng pag kakataon na lumayo sa kanya at nag kunwari na ibaba  ang dala ko sa maliit na mesa na sana gilid. Nakatalikod ako sa kanila at pilit inabala ang sarili para na rin mapakalma ko ang sarili ko.

Uuwi agad ako pagkatapos nito, ayoko dito. Hindi ako makahinga. Ilan beses akong huminga ng malalim para lamang kumalma ako.

"Doc!" Masayang bati ni Nana pumikit ako ng madiin at pilit nq inignora ang masayang boses nito

"Hello Nana, kamusta ang pakiramdam mo?" Malambing na sabi ng tinawag niya na Doc.

"Maayos na po ako, magaling ka po kasi na doctor eh" sabi naman ni Nana, narinig ko pa ang mahinang tawa nila.

"Maam, pwede na sya lumabas pero paubusin muna natin itong gamot. Wag muna din sya mag tatakbo at mag papagod para hindi na maulit ang nangyari" mahinanong sabi ng Doctor.

Ako naman ay muling ipinasok sa plastic ang mga binili kong prutas na kanina lang ay nilabas ko. Narinig ko naman na pwede na silang lumabas at sa bahay nalang nila ito kainin.

"Salamat po Doc ah" sabi ni Mama

Narinig ko ang pag sarado ng pinto, huminga ako ng malalim at humarap sa kanila. Malaki pa rin ang ngiti sa mukha ni Nana na nakatingin pa sa saradong pinto, napakunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Kamukha nya ang tao na iyon, muli ay nakaramdam ako ng galit.

"Anya, aayusin ko lang ang bill" sabi ni Mama.

"Ako na" malamig na sabi ko at lumabas ng kwarto.

Nang malakabas ay mapasandal ako sa saradong pinto, pilit na pinipigilan ang kung ano mang emosyon na kanina pa gustong lumabas.

Kaya ayoko syang makita! Sabi ko sa isip ko. Hanggat maaari ay ayokong umuwi dahil ayoko ng ganitong pakiramdam.

Nang kumalma ay inayos ko na ang dapat ayusin, nang maayos ay nag lakad ako pabalik sa kwarto. Nang nasaharapan na ng pinto ay muli akong huminga ng malalim, at sinabi sa sarili na after nito ay aalis na ako.

Binuksan ko ang pinto at nakita na hindi lang sila Mama ang nasa loob. Bumalik pala ang Doctor at ang mga kasama nito kanina, kausap ni Nana ang dalawang lalaki  at napatingin sa akin nang buksan ko ang pinto at kausap naman ni Mama ang isa. Nakatalikod ang kausap ni Mama sa pinto kaya hindi ako nakita.Hindi ko na sana sila papansinin nang magsalita si Nana.

"Doc, sya yung Ate ko" sabi ni Nana, napalingon sakin si Mama at ang Doctor na kausap nya.

Halos mabitawan ko ang mga papeles na hawak ko ng mamukhaan ko ang Doctor na kausap ni Mama. Nabibingi din ako sa biglaang pag lakas ng tibok ng puso ko. Bakas din ang gulat sa mga mata nya, ngunit panandalian lamang iyon at napalitan ng seryosong expression.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HappierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon