Chapter 10: Welcome Home, Anak.

184 140 8
                                    






Matthew 's pov,




"WELCOME HOME!!!" Sabay-sabay nilang bati pagkapasok namin dito sa loob isa-isa naman silang nagsilapit para yakapin ako.

"Masaya kami at nakabalik ka na Kuya Matt." Masayang sabi ni Ella yung nakababata kong kapatid, nagawi ang tingin niya kay Sam na tahimik lang sa likuran ko at para bang hindi siya interesado makipagkilala kila Ella.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Sino siya Kuya? Girlfriend mo hihihi."

"Hind-"

"Samantha, ikaw na ba iyan?" Sulpot ni Inang at nilapitan si Zam, halata naman sa mukha ni Sam ang gulat at pagtataka. "Ang laki laki mo na at napakaganda mo pa." Puri ni Inang sa kanya.

"Uhm?"

"Ako ito, yung yaya mo si Yaya Belen."

"Ow, i'm sorry I forgot your name ang tagal na rin kasi."

Napakamot na lang si Inang sa ulo dahil sa sinabi ni Sam. "Mabuti naman at napasyal ka rito anak, hindi mo naman sinabi na bibisita ka pala dito sayang at hindi namin kaagad nalinis ang kwarto mo pero hayaan mo mamaya pagkatapos kumain ay ipapaayos ko na kaagad tara don tayo sa kusina nagluto ako ng paborito niyo ni Matt-" Agad ako lumapit kay Inang para putulin yung sasabihin niya na kinagulat niya.

"Dun na po tayo Inang, nagugutom na ako."

"Ano ka bang bata ka!" Sabay palo sa akin sa braso. "Kinakausap ko pa si Samantha." Napakamot na lang ako sa batok at napatingin kay Sam na nakakunot ang noo, nabalik ang atensyon kay Inang ng ayain niya na si Sam papunta sa kusina.

Pagkapasok dito sa kusina naupo na ako sa pwesto ko at ganun rin sila. Pinaupo ni Inang si Sam sa gilid ko malapit sa kanya at halos hindi siya mapakali kakaaskaso kay Sam.

"Kuya Matt, ipakilala mo naman siya sa amin." Pagsisimula ni Lina isa sa mga kasama namin dito.

"Oo nga naman, kanina pa namin siya tinitignan pero hindi namin siya kilala, pero parang familiar ang mukha niya," Dugtong ni Karlo.

"Hmmm, at nakakapagtaka na kilala siya ni Inang-" Sabi naman ni Kevin napahilamos na lang ako ng mukha wala pa bang silang ideya kung sino si El, eh palagi kwinekwento sa kanila ni Inang yung relasyon nila ni Sam noon.

"Ano ba kayong tatlo, siya si Samantha ang nag iisang apo ni Don Leoncio, siya yung naikwento ko sa inyo na inaalagaan ko sa Manila kasama ng kanyang Mommy." Sabat ni Inang at nagsitanguan naman yung tatlo sa sinabi ni Inang.

"Ahhh! Kaya pala, hehehe pasensya na po sadyang makakalimutin ako." Nahihiyang sabi ni Isaac.

"Kaya pala napakaganda niya at para siyang angel based na rin sa mga naikwento mo Inang." Komento naman ni Lina.

"Hayy nako kayo talaga, pagkatapos niyo d'yan ayusin niyo na yung kwarto ni Samantha at tulungan ayusin ang mga gamit dahil mahaba haba rin ang byahe nila." Utos ni Inang na sinangayunan nung apat.

Anim kami rito taga bantay ng mansion ako, si Kevin, Isaac, Lina, Ella, Inang. Kami ang katiwala ni Don Leoncio dito kapag may mga lakad siya tulad sa Manila, isa rin kami sa mga taong tumutulong sa nasasakupang lupa ni Don Leoncio isa na ron yung farm at hacienda niya kaya sobrang pinasasalamatan ng mga taga dito sa St. Isabuhay si Don. Leoncio dahil sa masaganang pamumuhay na binibigay niya sa amin.

"At saka nga pala Matt, wag mo kalimutan bukas ilibot si Sam dito ah, wag mo rin siya kakalimutan ipakilala sa mga farmers natin dahil panigurado magkakaroon ng salo salo para sa kanya." Masayang sabi ni Inang.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now