Chapter 13: Tulong! Tulong!

137 104 0
                                    

Samantha's pov,




Maaga ako ginising ni Yaya para magalmusal wala pa sa tamang wisyo ang katawan at utak ko kaya napayuko ako rito sa mesa.

"Bawal matulog sa mesa, umayos ka at kumain na."

"Ihh! Inaantok pa ako Yaya give me 1 more minutes please?" Inaantok kong sabi.

"Maaga dapat tayo sa farm at kailangan mo ng vitamins ng araw."

"Madilim pa kaya! Paano may araw d'yan nakakainis." Inis ko at pinilit na dinilat ang mga mata ko.

"Wag ka na mainis d'yan, kainin mo na yan niluto ko yung favorite mo." Pangungumbinsi niya kaya nabuntong hininga na lang ako at kumain na.

Hindi pa pala alam ni Yaya na nagkabati na kami ni Matt kagabi, at speaking of Matt kararating niya lang rito at naupo sa tabi ko. Agad naman siya inasikaso ni Yaya at sunod sunod ng nagsidatingan sila Ella na bagong gising rin napatingin naman ako kay Kevin na may energy na ka agad dahil chinicheer niya pa kami sarap salpakan ng tinapay sa bunganga.

"Pwede ba Kuya wag ka maingay d'yan." Saway ni Lina.

Wala naman ito nagawa kaya naupo na. Tahimik kaming kumakain ng basagin ni Yaya ang katahimikan kaya lahat ng atensyon namin na sakanya.

"Ang gagawin niyo pala sa farm Samantha at Matthew pagkainin ang mga hayop roon, at gatasan ang mga baka para maibenta sa palengke marami na kasing naghahanap ng gatas sa atin."

"Hmm, sige po Inang kami na po bahala."

Napakunot naman ako ng noo na tinignan siya ano ibig niyang sabihin na gagawin ko pa rin yung inuutos ni Yaya kahit magkabati na kami?

Mahina ko siyang siniko. "Huy! Ano binabalak mo?"

"Huh? Anong balak, sinasabi ko lang na gagawin natin yung gawain sa farm-"

Bigla kong tinapat yung hintuturo ko sa gitna ng labi niya. "Ashh!" Putol ko sa pagsasalita niya.

"May problema po ba Ma'am?" Nilingon ko si Lina na takang taka ang mukha. Nabalik naman ang tingin ko ng hawakan ni Matthew yung kamay ko palayo sa mukha niya.

"Wala siyang problema," Binawi ko naman agad yung kamay ko sa kanya. "Wala diba Sam?"Paniniguro niya pa.

Ngumiti na lang ako ng pilit. "Ahh oo." Diniin ko talaga yung oo ko sabay pinandilatan ko siya ng mata.

Magtatanghali na ng makaayos na kaming lahat ready na pumunta sa farm. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan dito ako sa may unahan naupo akala ko si Karlo yung magdridrive si Matthew pala lilipat sana ako sa likuran kaso puno na kaya wala na akong nagawa.

Hindi kami nagiimikan ni Matthew at saka wala rin naman akong sasabihin sa kanya at wala rin akong balak kausapin siya iniwan niya kaya ako kagabi.

Napatingin ako sa bulsa ko dahil nagvibrate yung phone ko, kinuha ko agad ito at tinignan kung sino iyon.


"Caleb is calling..."

Napahigpit ang hawak ko sa phone dahil nabasa ko yung pangalan niya, ano ba problema nito bakit pa siya tumatawag nabalik ako sa sarili at napatingin kay Matthew dahil inagaw niya sa akin yung phone sabay off nito at agad na binalik sa akin.

Nanatili akong nakatitig sa kanya napansin niya siguro iyon kaya tumingin rin siya sa akin. "Bakit?" Tanong niya na para bang wala siyang ginawa.

"Bakit mo ginawa yon?"

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Where stories live. Discover now