Chapter 15: Bullies Meet The Brat.

159 97 1
                                    





Samantha's pov



Three weeks na ang nakakalipas ng napagdesisyunan ko nang ipatanggal yung casts sa paa ko, hindi naman na siya masyadong masakit compare nung una.

Pinatanggal ko na siya dahil kaya ko naman na maglakad pero nilalagyan ko parin siya nang benda, at dahil may pasok sila Ella ngayon naisipan ko na ako na ang magsusundo sa kanila since wala rin naman ako ginagawa dito sa bahay.

Pagkalabas ko ng bahay nakita ko si Mang Rino inaayos yung sasakyan kaya hindi ko magagamit kaya magcocommute ako papunta sa school nila Ella.

"Magandang umaga ho Ma'am Samantha." Bati ni Mang Rino nang makita niya ako. "Saan ho ba kayo pupunta?"

"Sa Isabuhay national high school." Sagot ko naman.

"Ah, sige po tatapusin ko lang po ang pagkakabit ng gulong sa likuran at hihahatid ko po kayo."

"Ay hindi na, magcocommute na lang ako papunta dun sunduin mo na lang kami baka kasi matagalan ka pa d'yan."

Napakamot na lang siya sa ulo at hinatid na lang ako palabas ng gate. "Magiingat ho kayo Ma'am, tawagan niyo lang ako kapag magpapasundo na kayo."



Lumakad na ako papunta sa terminal ng tricycle hindi naman kalayuan yun dito sa mansion buti na lang hindi masyadong maaraw dahil wala si Ella para payungan ako.

Pagkarating ko dito sa terminal nakita ko si Grace na naghihintay rin ng tricycle, lalakad na sana ako palayo sa kanya nang tawagin niya ako. "Bwiset." Bulong ko sa sarili.

"Ma'am kayo pala, bakit po kayo nandito?" Tanong niya pagkalapit sa akin.

"Bakit bawal ba?"

"Hindi naman po sa ganun," Aniya at nagpalinga linga pa na para bang may hinahanap sa likuran ko. "Kasama niyo po ba si Matt?"

I rolled my eyes at her. "May nakikita ka bang Matthew? Diba wala so it means hindi ko siya kasama." Sagot ko at nilampasan na siya akala ko tatantanan niya ako hindi pala at sumunod pa sa akin.

"Pasensya na po ah, kung naitanong ko si Matt magpapasama lang ho kasi ako sa kanya pero maiba po tayo saan ho kayo pupunta at-magcocommute kayo?"

Hinarap ko siya ayoko na sana siya sagutin pa at layasan na lang at dahil may onting pasensya pako sige sasagutin ko ang tanong niya. "Sa school ako pupunta at yes magcocommute ako may problema ba don?"

"Uhm, wala naman po, doon rin kasi punta ko para sunduin si Hannah kung gusto niyo po sabay na lang tayo?"

Tatanggi sana ako kaso iisang tricycle na lang ang natitira kaya no choice at pumayag na ako sumabay sa kanya. Habang nasa byahe kami nasa isip ko na what if itulak ko tong babae na to kasi hindi ko siya feel makatabi dito sa loob nakakainis.




Nahinto yung tricycle sa tapat ng gate at may iilang estudyante ang nagsisilabasan na, napaangat naman ako ng tingin ng ilahad ni Grace yung kamay niya sa harapan ko para alalayan ako lumabas ng tricycle, tinanggap ko yun at pagkalabas ko ng tricyle bumitaw ka agad ako sabay punas sa kamay ko ng panyo.

Naglabas ako ng 1k at binigay kay manong driver. "Nako madam wala ho akong panukli dito baka ho may barya kayo 15 pesos lang naman po."

"No, keep the change." Aniya ko at nilayasan na siya.

Pagkapasok ko dito sa loob kasabay ko si Grace sa paglalakad nahiwalay lang siya sa akin ng tawagin siya nung isang teacher sa pangunang room. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid iba talaga ang public sa private school.

Rich Girl Series #1: Tame The Wealthy Brat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon