Kabanata 24

50 4 0
                                    

“Abigail, wait lang!”

Inis ako ngayong umaga dahil sa nangyari kahapon kaya napagdesisyonan kong sumugod na sa lungga ni Jango.

“Huwag mong pairalin ang galit mo! Wala pa tayong plano!” Sigaw ni Cleo.

Mas lalong lumakas ang iyak niya nang makita akong walang dalang armas.

“A-at! Wala ka pang dalang armas! Mapapahamak tayo at ang girlfriend ko!” Niyugyog niya ako.

Sa inis ko ay nag anyong lobo ako at hinawakan ko ang kwelyo niya, saba'y kaming nahulog mula sa bintana.

Pumunta kami sa bahay na bulok ni Jango.

“Papatayin mo ba ako?! Muntik na ako doon! Akala ko mamamatay na'ko!” Agad kong tinakpan ang tainga ko dahil sa bunganga niya.

Hindi ko siya pinansin agad akong sumugod papaloob, palihim kong pinapatay ang mga kampon ni Jango, nang makita ko si Jango at si Clea ay gusto kong matawa dahil ang problemado ni Jango ngayon.

“Gagalawin nalang kita, masasarapan ka naman eh!”

Nag usbong ang galit ko nang marinig iyon, hindi pwedeng magalaw si Clea dahil puputak na naman si Cleo kapag nangyari 'yun.

“Jango, hindi pa tuli!” Sigaw ni Clea.

Gusto kong tumawa dahil sa narinig kasi kahit na matalas ang dila ng kasintahan ni Cleo ay may mabuti pa rin itong puso at mahal niya ang pinsan ko.

“Jango, long time no see.” Maligaya kong sigaw.

Napatingin sila sa'kin, ngumisi si Clea at si Jango naman ay ngumiti ng peke.

“Simulan na, Abigail! Kainip ka e!” Inis na sigaw ni Jango.

Agad siyang sumugod, tumango ako kay Clea at nalaman niya naman agad ang signal ko kaya kumilos siya.

Hinagis niya ang isang kutsilyo na sigurado ako na may lason dahil mahilig si Jango maglagay ng lason sa mga kutsilyo.

Hindi ko na pinatagal ang laban nang sumugod si Jango ay umiwas ako sa kan'ya dahil may hawak din siya na kutsilyo, nang ihagis ni Clea ang kutsilyo ay agad ko itong sinalo at walang pasabi na sinaksak si Jango mula sa likod.

Nakontento na'ko dahil alam ko naman na may lason iyon at nag aalala rin ako para sa kan'yang anak.

Nakita ko si Cleo at Clea na nagyakapan, gusto kong masuka nang makitang hinalikan ni Cleo ang kan'yang kasintahan sa labi.

Nilisan ko ang lugar na iyon hindi dahil bitter ako dahil ayoko lang talaga gusto ko nalang matulog.

“Noona?”

“Shhh, baka marinig tayo ni Ama! Malalagot tayo!”

Hindi rin kasi maabot nila ang doorknob. Kumuha sila ng isang silya saka tumungtong si Axel doon.

“Hmp! Baba na, Ax!” Sigaw ni Alina sa mabababang boses.

Pumasok sila ng dahan dahan saka mahinang tinapik ni Axel ang pisngi ni Abigail.

“Noona, we have a surprise for you.” Alina.

Gumalaw ng konti si Abigail. Bumaba si Axel mula sa kama at pumunta sa harap ni Alina para sindihan ang kandila.

“Bakit may amoy kandil— what the?”

“SURPRISE!”

Umirap si Abi.“Thank, kiddo’s...” Ngumiti rin ng tipid.

“Blow the candle na po!” Excited na sabi ni Alina.

“Kailangan pa ba mag wish?” Tumango ang dalawa, pumikit si abigail.

Saka siya dumilat pagtapos nyang humiling. “Sino nag-gawa nito?”

“Kami po! Tinulungan kami ni Nanay Presy! At sinabi n'ya po na ube daw po ang paborito mong kulay ng cake mo!” Pinisil ni Abigail ang pisngi ng dalawa.

Dumaing ang mga ito. “Suhol ba 'to or what?” Umiling silang dalawa sa tanong ng dalaga saka nagpatulong kay abi na iakyat sila sa kama.

“Gusto lang po namin na humingi ng tawad sa ginawa ni ama sa'yo.” Tumingkayad si Axel para maabot ang aking pisngi saka ako hinalikan ron.

“Noona? Pwede ka bang mag kwento bakit ganun ang Ama natin sa'yo?” Hiling ni Alina saba'y higa sa hita ko.

Umiwas ako ng tingin. “Ayokong pag usapan pa yun, Alina.”

“Per—”

Natigilan kami ng biglang bumukas ang pintuan. Si Tita Chloe na naman... Hinihingal ito nang pumasok sa silid ko.

“Abigail!~” May tili akala mo teenager na nagkaroon ng syota.

“What?” Tatlo kaming sumagot kaya nagkatitigan kaming tatlo at ang dalawa tumawa lang.

“Nakoooooo! May good news ang tita mo!!”

Tinaasan ko siya ng kilay. “What is it?”

“U-uhmm! Nandyan si!”

“Pabitin pa tita e!” Si Alina, Axel at ako.

“Bumaba na kayo dali!” Sa sobrang saya niya hindi n'ya na kami pinasagot at umalis agad.

Ano bang meron?

Bumaba nalang kaming tatlo. Karga ko silang dalawa. Ang kulit e kundi lang sila Sandler baka nakotongan ko na ang mga ito dahil sa kakulitan.

Pagkababa namin ay nagkakagulo ang lahat. May nagbubulungan, 'yung iba ay tumatawa, may celebration ba?

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nilang lahat. Nagulat sila ng makita akong may dalang bata o natakot sila dahil sa itsura ng dalawa kong karga? Nakasimangot kasi sila.

“Ang tatlong Sandler!”

Apat kaya kami!

“Ayan ba 'yung dalawang bata na nakikita natin doon?”

“Sila nga!”

Mga bulungan nila na nakakainis. Sino ba nagsabi na magpapapasok sa palasyo ko.

“Anong meron?” Inunahan na'ko ni Alina magsalita. Ang tono niya ay mataray, Tumango naman si Axel na parang sinangayunan ang tanong ng kambal.

She just 6 years old! And Axel is just 6years old too! Bakit gan'to sila umasta?

“May bisita raw po at malaking selebrasyon.” Sabi ng isang katulong na dumaan.

“Doon muna kayo sa mga Yaya n'yo.” Utos ko at binaba sila.

Tumungo ako muna ako kay Nanay Presy dahil alam kong siya ang pangalawang nakakaalam na may bisita dito. Pagkadating ko ay nakita ko siyang nakikipag usap kay Tita Chloe. Diba? Siya nga ang pangalawa, Si Tita Chloe ang una.

“Nay Presy?” Tumingin ang dalawa sakin. Si Tita Chloe gulat pa ito.

“Oh abi ko? May narinig ka ba?” Nahahalatang may tinatago siya sakin dahil sa tono ng kaniyang pagsasalita. Hinigit ako ni Nanay Presy palayo sa kaniya.

“May bisita tayo, Abigail.” Seryoso niyang balita.

“Who?”

“Ang ama mo lang ang nakakaalam ngunit sabi ng Tita mo ay maganda ang bisita.” Bulong niya. Tumaas ang gilid ng labi ko.

“New sibling ba 'yan, Nay?”

Hinampas ako ni Nanay Presy sa braso. Tumawa siya ng mahina. “Hindi ano ka'ba! Natatawa ako sa mukha ng tatay mo 'e! Kaya hindi 'yun bago mong kapatid!”

Kumunot ang noo ko. ”Ano ibig mong sabihin, Nay?”

Humagikgik si Nanay Presy. Tanda na nito, hagikgik-hagikgik pa.

“Basta mamaya! Tignan mo kung sino, Paalam!” Pumunta siya sa mga katulong at doon nakipag chikahan. Tumingin ako sa iba na nandito sa palasyo.

Sino kaya ang dumating?

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now