Para sa mga Bigo

3.8K 116 15
                                    

Kapag ang asukal nabasa, nalulusaw at maaaring mawala ang tamis. Parang tao, kahit gaano siya ka-sweet sa 'yo, kapag pinaluha mo, nagbabago.

Ang babaeng may problema, madaling ma-in love sa lalaking nagpapasaya sa kanya.

Ang malabong relasyon ay parang panonood ng MMK. Bukod sa pinaiiyak ka na, hindi mo pa alam ang title ninyong dalawa.

Ang tunay na lalaki, mamahalin ka kahit ano'ng mangyari. Hindi 'yong iiwan ka kapag walang nangyari.

Sa taong MAHAL KA, hahanap at hahanap 'yan ng paraan para makausap ka kahit busy siya. Sa taong WALA KANG HALAGA, hahanap at hahanap 'yan ng alibi para maiwasan ka.

Kung gusto mo ng love life, maghintay ka. Hindi 'yong mang-aagaw ka.

Ang pag-ibig, parang si Mayweather. Yayakapin ka. Tapos sasaktan ka. Tapos tatakbuhan ka.

Dear Ex,

Hindi kita iba-block o ia-unfriend sa FB ko para naman makita mo kung gaano ako kasaya kahit wala ka sa tabi ko.

Ang mga MANLOLOKO, hindi basta-basta nauubos pero kaming mga SERYOSO, konting-konti na lang!

Bago ka gumawa ng kalokohan sa taong mahal mo, isipin mo muna kung kaya mong mawala siya sa 'yo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Quotes Here! Quotes There! Quotes Everywhere! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon