7. Xander's POV

19.7K 634 6
                                    

Alexander is in Multimedia.

A Boy who will ruin Michelle's life?

-->

---

Gusto niyo ba malaman ang buhay ko? Haha Buhay talaga ang term?

Una sa lahat hindi sa huli, gwapo ako, haha seryoso na nga. Tinagurian akong Mr. Campus Popular dahil daw gwapo ako. Ganito pala sa SAH. May makita lang silang gwapo, Mr. Campus Popular na agad. At hindi lang yan, may Ms. and Mr. Campus Popular talagang term sa SAH. 

Pero kahit na gwapo, mayaman at matalino ako. May kulang pa din sakin. Yun ay pagmamahal nang isang babaeng minahal ko.

Oo, alam ko. Nagtataka kayo dahil sinabi ko kay Mich na Hindi pa ako naiinlove. Ayaw ko lang magkwento dahil nakalimutan ko na yun. Atsaka, ayaw ko din mapaiyak pag sinabi ko pa yun. Pero, nung nakita ko si Jairah kasama yung New Boyfriend niya, aaminin ko, nasaktan ako kahit papano. Jaira Lei Scott. Minahal ko siya noon kaso, nakipagbreak siya sakin. Brineak niya ako dahil hindi niya na daw ako mahal. Sobrang sakit nun. Pero nagawa ko yung tiisin dahil mahal ko siya at gusto ko ang kalayaan niya.

At aaminin ko din. Simula nung nakita ko si Michelle Nerd, napapangiti nalang ako. Ewan ko? siguro, nakakatuwa lang siyang asarin. ^___^

Pero, ayaw ko pang mainlove. Siguro dahil nasaktan ako sa nakaraan ko. At ayaw ko nang maulit pa! At isa pa, ayaw ko din mainlove sa Nerd. Ke Gwapo gwapo ko, tapos maiinlove ako sa kanya?

At nung nasa garden siya, Naawa talaga ako. Ayaw ko din makakita nang babaeng umiiyak. Kaya naman nilapitan ko siya at inabutan nang panyo. Tinanong niya pa kung nainlove na ako, alam niyo naman ang sagot diba? Edi Hindi. Para saan? Magkukwento ako? Tapos, maaala ko? tapos, makikiiyak ako? Wag nalang. -____-

Pero nakokonsensya ako eh. Kasi nung time na yun, gusto niyang ilabas ang galit niya. Pero hindi man lang ako nagprisinta para ilabas niya yun. At para naman makabawi ako kahit papano. Hinatid ko nalang siya papauwi. Siguro, mas okay na yun diba? Kesa sa hindi.

Swerte nga siya at ako pa ang naghatid sa kanya. Ang Campus Prince, kasama ang isang Nerd? Oh. Hahaha siya lang ang pangatlong babae na ginawa ko yun. Of course the 1st and Second one is my mother and Jairah.

Nakaramdam din ako nang kunting tuwa kasi kahit sa ganoong paraan. Nakabawi ako. Naiintindihan ko siya eh. Nasaktan siya dahil na inlove siya. Sino ba naman ang hindi masasaktan sa pagibig diba?

Short POV lang mga readers! bawi nalang next time 

mwah mwah tsup tsup..

--

Mwah! Mwah Tsup Tsup din Fafa Xander!

VOTE.COMMENT. ^___~

The NERD turns to... Ms. Campus Popular? (Ongoing)Where stories live. Discover now