22.3: Last Sunset

644 24 0
                                    

22.3

ANG SAYA kahit na hindi ko naman masyadong alam kung paano maglaro ng volleyball, nakikilaro padin ako ngayon sa mga kaibigan ko.

Anim lang kami ngayon kaya 3v3 kami. Ako, si Nex at si Aaliyah ang magkasama. Sa kabila naman, sila Summer, Galaxia at Klayre. Si Aaliyah ay volleyball player. No wonder kung bakit siya ang pinakamagaling sa amin.

Beach volleyball is really fun!

Hindi ko naman masyadong pinupwersa ang sarili ko. Talagang ineenjoy ko lang ang laro. Ayaw ko naman kasing mamwersa, e. Kanina pa din naman kasing lumalangoy, mapabeach man o mapapool. Right now, we are trying new; nag-jetski kami kanina, nag-foodtrip at ngayon ay nagbebeach volleyball na.

"Go! Abigaile Leona Herrera!" Sambit ni Klayre sa full name ko. Tawang-tawa pa. Ako na kasi ang magseserve ng bola.

"Abigaile lang!" Sagot ko kasi parang natatandaan ako sa second name ko, e.

Kainis. Pinagtawanan kaagad nila ako nang hindi pumasok sa net 'yong bola pagkaserve ko. Mahina kasi ang pwersang nilabas ko. At imbes na sa bandang pulsuhan dapat ang gamitin ko panghampas sa bola, kamao ang ginamit ko. Parang sinuntok ko lang ang bola.

PAWISAN na kami ngayong anim habang nakaupo dito sa ilalim ng coconut tree. Nakahiga ako sa balikat ni Nex habang hinahaplos niya ang ulo ko.

May libre ding malamig-lamig na buko juice kaming iniinom ngayon na pinahatid ni Aaliyah para sa'min. Ang galing kasi sa isang tunay na buko talaga kami umiinom, dito mismo nakalagay ang juice. Hindi sa baso. Ang sarap pa!

"Ang saya dito, parang gusto ko nalang tumira dito, By..." rinig kong bulong ni Klayre kay Iyah.

Mag-uumpisa na naman kasweet-an nila. Si Klayre na napaka-clingy talaga.

Lahat kami ay nakaupo dito sa iisang coconut tree. Malapad naman kasi ang dahoshade nito kaya hindi kami siksikan. Nakahiga lang kami sa balikat ng isa't isa.

"Ako din, parang gusto ko na ding tumira dito..." Si Nex. Nakasandal ang kaniyang likuran sa coconut tree at ginagawang unan ang mga braso.

"Masaya kasi dito..." pabulong naman ni Galaxia.

Napaisip-isip din ako... yes, they're right. Masaya ngang tunay dito. Parang ako din, gusto nang manatili dito nang matagalan. Paradise is here... the waves, the caves, the rock formations, the calmness and serenity of the athmosphere... and how the skies greet the waves every morning and the orange sunset in the afternoon... masarap pagmasdan ang lahat ng mga 'yon. Hindi ko kayang iwan.

Tapos dito, wala pang parents na mangjujudge sa'kin... pero hindi pwede... mahal ko padin ang parents ko kahit hindi pa nila natatanggap ang tunay na ako.

"Happy birthday." Nakangiti kong sabi kay Aaliyah out of nowhere.

Muntikan ko na talagang makalimutan ko na ngayon ang birthday ko!

Ang kapal naman ng mukha ko 'pag nakalimutan ko ang birthday ni Aaliyah... In-invite nga ako dito, tapos makakalimutan ko lang ang main purpose kung bakit ako nandito! Hindi, 'no!

Lahat kami ay napatingin kay Aaliyah na nakangiti.

"Salamat." Ngumiti si Aaliyah.

"Are you excited?"

"Uhm... yeah?" Hindi ko alam kung bakit patanong ang sagot niya.

"Mukhang kinakabahan ka kaysa sa maexcite..." rinig kong sabi ni Gaalaxia sa kaibigan. Malambot ang kaniyang boses. Bahagya niya pang hinimas ang likuran ni Iyah.

Chasing After The Waves (Varsity Series #2)Where stories live. Discover now