DGH 32

801 31 4
                                    


Chapter 32

Third Person P.O.V.

Mabilis pa sa alas kwatro na binuhat ni Lithiun ang walang malay na katawan ni James at dali-daling isinakay ito sa kanyang sasakyan. Tumawag naman ito sa kanilang hospital para maantabayan siya dahil napakadelikado na ang lagay ni James ngayon. Halos liparin na ni Lithium ang daan patungong hospital dahil sa pagmamadali nito.

Nang makarating ito sa hospital ay may nakaabang nang mga hospital personnel sa emergency area. Tinulungan naman agad nito si Lithium. Kinarga naman ang walang malay na katawan ni James sa isang hospital stretcher at agad ding nilagyan ng oxygen habang mabilis na tinakbo patungong emergency room.

Hindi na alam ni Lithium kung anong gagawin niya sa mga oras na to. Halos sa isang iglap lang nangyari ito kay James. Agad namang hinarag ng isang nurse si Lithium upang pigilan ito papasok sa emergency room kung saan ipinasok si James.

Pumasok naman ang kanyang daddy doon upang ma check agad nila ang pasyente.

Halos busy lahat ang mga nurse at mga assistance sa paglagay nang kung anong mga wire at machine na gagamitin.

Agad namang sinuri nang doctor ang vital signs ng pasyente.

Nakaset-up na din ang defibrillator at ventilator para mamonitor nito ang heart beat ng pasyente.

Sa kabilang banda naman ay halos di na alam ni Lithium ang gagawin dahil sa kaba at pag-aalala nito kay James. Hindi din niya maiwasan na umiyak dahil sa kaba, pero nalulungkot talaga siya sa sinapit ni James ngayon.

Hindi naman ito mapakali at halos pabalik-balik itong naglalakad at kung minsan ay sisilip sa glass door ng emergency room, pero hindi naman niya ito makita dahil may nakatabon nitong kurtina.

Dalawang oras na ang nakalipas pero hindi parin lumalabas ang kanyang ama at ang mga kasamahan nito. Kung kaya't mas lalong dumuble ang kaba nito at napapansin din niyang nanginginig ang kanyang kamay.

"Lord please *sob* sana patnubayan mo si James *sob* please Lord" Ang umiiyak nitong wika sa kanyang isipan.

Habang busy ang mga nurse sa pag-check at pagbabantay sa pasyente ay tumunog naman ang ventilator machine nito. At nakita nila na ang dating life line waveform ay naging straight line na.

"Emergency! Emergency!"

Napatayo naman si Lithium ng makitang bumukas ang pintuan ng emergency room.

"Nurse kumusta na ang pasyente? Nurse!"

Pero hindi naman ito pinansin si Lithium dahil nagmamadali ang nurse na nakita niya.

Nalaglag naman ang kanyang balikat nang walang sagot itong nakuha sa nurse.

Ilang minuto pa ay nakita naman ni Lithium na may tatlong nurse na nagmamadali habang dala-dala nito ang isang cardiovascular flatline. At dahil sa nakita ni Lithium ay kinabahan naman ito at dali-daling hinabol ang mga nurse na papasok sa kwarto ni James.

"Nurse anong nangyayari sa loob?" Ang kinakabahang tanong ni Lithium sa isang lalaking nurse

Pero hindi siya nito sinagot kaya mabilis naman itong pumasok sa loob pero bago pa siya magtagumpay ay naharangan na agad ito ng isa pang assistant nurse.

"Sorry po sir, pero hindi po kayo talaga pwede pumasok, babalitaan ka nalang po namin mamaya" Sabi nong lalaking nurse

"No! Papasokin nyo ako!" Ang matigas na sabi ni Lithium

Pero hindi na ito pinansin ng nurse at isinirado na nito ang pinto.

Galit namang sinuntok ni Lithium ang pintuan ng emergency room.

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now