Malaya

1 0 0
                                    

Sa bawat araw na lumilipas
Ako itong pinipilit ibalik
Lahat ng mga oras
Mga alaala,at nakaraan
Nating dalawa,O aking Mahal
Nagbabakasakali na ika'y muling masilayan
Sa bawat oras,minuto at mga araw na nagdaan
Tagatak ng mga luha
Sa mga oras na ika'y naiisip
At kirot sa puso ang aking nararamdaman,tuwing ika'y aking inaalala,ngunit di man lang makausap at masulyapan
Gusto kong hawakan,iyong mga kamay
Yakapin ka't halikan ,kahit saglit man lamang
Ipadama sayo,na ika' y aking labis na Mahal
Ipaalala sayo na nandito lang ako
Katuwang mo sa lahat ng bagay
O sa bawat pagkakatao't maging sa Buhay

Ngunit ano ba ito,bakit ika'y lagi ng nakatatak
Sa puso,sa isip,at panaginip
Marahil siguro,Pagmamahalan natin ay may saysay
Ngunit ito'y iyong agad na winakasan
Minadali ating pagmamahalan
Di ko man lang alam ,san ba ako nagkulang?
Siguro nga marahil sa bago mong sinisinta
Na mas mahal mo kaysa Una
Alam kong ako'y may karupokan
Ngunit kinakaya ko lahat ng pasanin sa Buhay
Kahit minsan nga'y ako itong nahihirapa't Bigo,at laging luhaan
Ngunit ang lahat ng ito'y
Sinisimplehan ko lamang
Sapagkat ako'y tao lang din
Mapagparaya sa lahat ng Bagay

Aking sinisinta noon,salamat sa lahat ng alaala
Hanggang sa muli nating pagkikita
Ninanais na ika'y maka-usap
Kahit sa sandaling minuto lang
Ngunit tadhana'y mapait,ayaw tayong pagtagpuin
Nang ating masilayan,mga sarili natin
Kung Sino ba ang talagang masaya
Ako na literal na may kagalakan sa piling ng lahat ng mga Mahal ko sa Buhay....
O ikaw na masaya,ngunit nagbabalat-kayo lamang??

Simula sa araw na to,alam kong kapwa tayo'y may sari-sarili  ng desisyon
Sa ating mga sarili't tatahaking ambisyon
Nawa'y maging masaya ka sana,saan kaman pumaroon
Pagkat ako naman itong laging bigo
Nagsisimulang muli sa Panibagong bersyon,Ng aking sarili,na masisilayan, hindi na ang Dati
Aking sinisinta noon
Salamat sa mga sandaling alaala
Mahal pa rin kita,ngunit.....
Malaya kana........

#binibiningmicaz

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MalayaWhere stories live. Discover now