Kabanata 30

44 4 0
                                    

“Ahm... Abigail, Aalis na pala ako. Hinahanap na siguro ako ni Daddy.” Hinawakan ko siya sa braso nang akmang aalis na.

“Akala ko ba dito kayo matutulog? May bahay na kayo dito?”

Kakauwi lang namin sa palasyo. Sabi niya hatid niya lang daw ako,

“Ako lang ang may bahay dito si Daddy nasa loob na ng palasyo...” Nagkamot siya ng batok.

“Huh? Edi dito ka rin? Mga kawal saraduhan na ang lahat ng tarangkahan.” Utos ko sa mga kawal. Para 'di na makaalis itong kumag na 'to gabi pa naman, baka mapagtripan ng mga ugok sa daan.

“Pero mga manong lalabas pa ako!—”

“Tara na, Christoffer.” Hinila ko na siya sa loob bago pa humaba ang usapan.

“Nasa silid aklatan ang iyong Ama kasama ang Ama ko. Bawal sila guluhin, naintindihan mo?” He nodded. I told him to sit on the sofa.

“But Abigail, I have a photoshoot in France, I have to go home...” Kaya pala nagmamadali.

“I-cancel mo,” Gulat siyang tumingin sa'kin. Parang sinasabi ng kanyang mata na 'nanay ba kita?'

Oo, nanay mo'ko gusto mo bigyan pa kita ng baon d'yan para school mo, nak.

“Kailangan mong magpahinga, sabi ni Ina pwede naman ipagpaliban ang kaengengan na gagawin niyo.”

Hindi naman talaga yun sinabi ni Ina, Minsan na nga lang ako mag sinungaling sulitin ko na.

“Isa akong modelo at artista, kailangan yun, Abigail.” Sinamaan ko siya ng tingin. Naglalaban ang aming tingin ngunit agad ding naputol dahil sa tumikhim sa likod ko.

“Just follow what your fiancé said, Christoffer.” Boses iyon ni Clifford.

“What? You know that's important, Dad. You also told me that.” Alam kong may tensyon na magaganap sa pagitan nila ng kanyang Ama kaya mas magandang umalis nalang ako para sa privacy nila.

“Mag away lang kayo dyan, matutulog na'ko.” Ngumiti ako ng peke at iniwan ang mag Ama sa sala.

“We have to go, Mga matatanda.” Yumuko ako saka sumakay sa karwahe. Nakita kong nakasimangot si Christoffer.

Tulala na naman siya

Tinapik ko siya sa balikat para gumising siya sa katotohanan. “Dito ka pinatulog ni Clifford 'no?” Tumingin siya sakin at umiling.

Huh?

“Eh? Anong iniisip mo?” Taka kong tanong. Pumalumbaba siya at ngumiti ng malaki, kita na ang gilagid niya.

“Bakit gusto mong malaman?” Tinusok tusok niya pa ang tagiliran ko. Pinalo ko ang kanyang kamay na malikot, masyadong feeling close.

“Medyo baka kasi napasukan na ng uod yung utak mo.”

“Eww! Kadiri ka naman. Kuya, paandarin mo nga yung music dyan!” Makautos 'tong isang ito akala mo merong kanta na binigay.

“Walang speaker sa mundong 'to, Tope.” Tinaasan niya ako ng kilay.

“What? Anong 'tope?' ang gwapo gwapo ko tas tatawagin mo akong tope? Nakakadiri.” Nag kunwari pa siyang nasusuka, agad ko siyang binatukan dahil sa kaartehan niya.

“Just kidding, 'tope' sounds good.” Tumango tango pa siya kahit hindi sigurado sa desisyon sa buhay.

Tumingin nalang ako sa labas kahit puro mga puno lang ang makikita. Nahagip ng mga mata ko ang isang tao na nakatayo sa isang puno na may kasamang babae.

When the Cruel Wolf Fell Inlove (QUEEN SERIES#1)Where stories live. Discover now