Chapter 18

77 4 0
                                    

Athanasia's POV

Katatapos ko lang maligo at pababa na ako ng hagdan papunta sa dining room. Wala akong kabuhay-buhay habang naglalakad at hindi na binigyan ng pansin ang mga maids na nagtatakang nakatingin sa akin. Binuksan ko ang pintuan ng dining room at ang kaninang masigla na atmosphere ay biglang bumaba ng pumasok ako.

"What the hell?!" Gulat na ani ni Kuya Ashton nang maupo ako sa upuan ko.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Wala ka bang tulog?" Si Kuya Primo naman ang sumunod. Nginuya ko muna ang pagkain ko bago napabaling ang tingin ko kay Kaius.

"Wala naman. Nag-overtime lang ako kagabi." Nakita ko ang pag-lunok ni Kaius kaya baka naaalala niya ang ginawa niya kagabi.

"O...kay." Nag-alinlangan na sabi nila bago nag-patuloy sa pag-kain.

2 hours lang ang naging tulog ko ng dahil sa pisteng kababalaghan na nangyari kagabi. Hindi naman kasi siya ganun kapag nalalasing kaya I suspect na may sex drug ang bote ng alak na iyon. Kapag kasi lasing siya ay hindi siya dederetso sa kanila at sa halip na umuwi nalang ay sa akin talaga siya pumupunta kaya nasanay na ako na ako ang naga-alaga sakanya sa tuwing mag-lalasing siya pero first time lang na nangyari ang kagabi.

Pero kung mali ang hinala ko na may sex drug nga ang alak na ininom niya kagabi, bakit niya nagawa iyon? Nasisiraan na ba siya? He has a girlfriend for god's sake kaya paano niya nagawa iyon? May pag-aaway ba sila ni britney at nag-lasing ang isang yun? Hindi naman kasi iyan mag-lalasing kung wala siyang problema kaya mamaya ay tatanungin ko yang lalaking yan.

Mas mabuti nalang siguro na wala siyang maalala sa ginawa niya dahil labis pa akong mahihiya doon. Naman kasi eh, bakit bigla-bigla nalang siyang nagka-ganon?

I can't stop thinking about that kiss! Kung hindi ko siya ni-knock out kagabi, baka nga may nangyari na sa amin. Pero nagpapa-salamat na lang ako dahil ginawa ko iyon para pigilan siya. Pero nako-konsensya ako sa pag-suntok ng malakas sakanya.

"Mommy? Are you okay?" Napabaling ako kay zeke na nasa tabi ko kumakain. Tumango ako bago ginulo ang buhok niya.

"Of course naman, baby. Ayos lang si mommy." Ngumuso nalang siya doon pero hindi na nag-tanong pa ng ano-ano.

Tinapos ko nalang ang pagkain ko saka nag-paalam sa kanila na lalabas muna ako para mag-pahangin. Nag-tungo ako sa garden at pumunta sa garden gazebo na di malayo sa may fountain. Dala-dala ko ang libro ko na nadampot ko sa library at naupo doon. I love fantasy stories so nagka-interest ako dito sa librong ito. "The Cursed Prince" ang title at ang story na ito ay about sa isinumpang prinsipe at isang babae na siyang makaka-break ng sumpa niya.

Hours passed at napaka-tahimik lang ng buong lugar ng maramdaman kong may iba pang tao kaya nilingon ko ang labasan na pinang-galingan ko kanina at nakita ko si Kaius at zeke. Mabilis kong ibinalik ang tingin sa libro ng magka tinginan kami ni Kaius.

"Mommy! Can I play with Max?" Agaran na bungad ni zeke ng maka-lapit sa akin. Nilingon ko ang paligid at nakita ko si max na naka-higa sa damuhan.

Max is a black leopard.

"Uh, sure, yeah. But, don't go too far, okay?" Sigaw ko nalang kasi tumakbo na siya papunta kay Max. Napa-buntong hininga na lang ako pagkatapos at napatingin sa libro.

A long silence enveloped us.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil sa tuwing titingin ako sakanya ay maaalala ko ang pangyayari sa pagitan namin. Parang ayaw ko na yatang bumalik sa terrace ng dahil doon.

"May problema ba tayo, Athy?" I flinched when he suddenly spoke. Mabilis akong napatingin sakanya at pinigilan ko ang pan-lalaki ng aking mga mata..

Aba oo, meron. Tangina mo lang talaga.

One Deep Love Where stories live. Discover now