ANG BAYAN KONG HATI-HATI ANG KULAY

83 5 1
                                    

Piyesa ni Genesis Alvarez   

 
  Sumulat ako sayo upang ibalita ang kalagayan ng ating bayan, nais kong ipabatid sa iyo na sa kasalukuyang lagay, hindi naging madali para sa ating mga kababayan ang maging buklod sa diwa at layunin.

Doktor, hindi ko man tiyak kung naririnig mo o nababasa ang liham kong ito ngunit nais kong ipaabot sayo, na saan ka man ngayon, na ang ating inang bayan ay hinati sa maraming akala.

Ginoo, nakalaya na tayo sa laban natin sa labas ng bansa, at ngayon, tayo-tayo mismong magkakapatid, magkakadugo ang nagkakabaha-bahagi.

Iisa lang ang tinutungong simbahan, iisa lang ang watawat na saklay-saklay, iisa lang ang wikang sigaw-sigaw— Ngunit wari'y nahati sa maraming sangay.

Sayang lang, at nagpahinga ka para ilaban ang tinig ng ating bayan, kung darating rin pala ang pagkakataong mabibingi ang katarungan, mabubulag ang katotohanan, mapipilay ang batas.

Anong halaga ng iyong tinig kung hindi ka pakikinggan.

     Kapwa bawat panig at akala, ay naghahangad ng iisang layunin, ang supilin ang ‘di matapos na kahirapan, na siyang tunay na kalaban.

Wari'y pagod na ang mga kababayan nating maghintay, ang makapangyarihang tinta sa balota ang huli boses ng bayan, para isigaw ang kapayapaan, ang katarungan, ang kalayaan, ang kaayusan, ang kaunlaran, at kaisahan.

    Ginoo, kung nandito ka lang, turuan mo kaming ialay ang aming tinig at boses para sa bayan, kahit sa sulat o tabak man, ipatalos mo sa aming muli, na kami’y minsan nang inalipin— at magkakasamang lumaban, hindi para sa mga politiko kun'di para sa inang bayan.

Oh, mahal kong Pilipinas, likas ngang ikaw’y makulay, ngunit nababahagi ka sa iba't-ibang hukay.

—Genesis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MGA TULA AT KUDA Where stories live. Discover now