CHAPTER 1

1 0 0
                                    

Chapter 1

Another day full of duties. Even if it's tiring, I know that I need to continue. There's no room for 'wait'. Kaya halos araw-araw ay pagod ako sa pag-aaral. Ito ang tanging bagay na hindi ko dapat pabayaan. 'Yun ang nilagay ni Tita sa isip ko. This is my only chance for freedom.

Ang tanging pahinga ko na lamang ay tuwing nag-babasa ako o kaya ay nasa tahimik na lugar mag-isa. Kaya naman inis ako sa isang taong sinisira ng pahinga ko.

"Bumili na ako ng ba't-ibang flavors. Hindi ko kasi alam kung ano gusto mo e, kaya binili ko ko na lahat!"

May hawak si Gio na tatlong cupcake. Galing siyang cafeteria at kanina pa ako inaalok ng mga pagkaing binili niya.

"Oh, ito pa. may burger at pizza din akong binili. Gusto mo ba?" alok pa niya.

Napa-irap ako. May sarili akong pagkain pero wala pa din siyang tigil sa pag-alok. Nandito kami sa sulok ng mini library n gaming classroom. Balak ko sanang umidlip pero hindi natuloy dahil nga sa makulit na lalaking ito.

Bumaling ako sa kanya at kumuha ng inaalok niyang cupcake.

"Ayos na 'to sa akin, may iba pa naman akong pagkain dito. Pwede ka nang bumalik doon sa upuan mo."

Kinagatan ko na ang cupcake para ipakitang kakainin ko iyon. Ayoko lang na lagi siyang naka-dikit sa akin kaya pinapabalik ko na siya sa upuan niya. And just like what he always do for the past three days... he stayed by my side. He started eating his own cupcake.

"Dito na ako kakain. Mas gusto ko dito, tahimik." He even smiled at me.

I scoffed.

As if. Mas gusto niya ang atmosphere na madaming kausap kasi sa ilang araw niya pa lang dito sa school ay madami na agad siyang kakilala at kaibigan. Hindi ko lang sure kung sadyang social butterfly siya o may balak siyang tumakbo bilang president in the near future. Halos lahat kasi ay kinakaibigan niya.

"Ay, oo nga pala, alam mo ba may bagong libro na ni-release..."

He keeps on talking pero hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pag-ubos ng aking pagkain. Nang mapansin niyang hindi naman ako nakikinig sa sinasabi niya ay tumigil na siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Hanggang sa matapos ang break time naming ay nasa tabi ko pa rin siya. Talagang hindi siya umalis. Ganoon din ang nangyari noong lunch. Naghila siya ng upuan para tumabi sa akin ang sumabay mag-lunch.

Lagi akong may sariling baon na pang-tanghalian. Noong nakaraan ay wala namang baon itong si Gio at doon siya kumain sa cafeteria kaya nagtataka ako ngayon kung bakit naisiapan niyang mag-baon, at sumabay pa sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin. Plano kong kumain ng tahimik, pero hindi ata talaga kasama sa bokabularyo ni Gio ang salitang 'tahimik'.

"May sagot ka na ba doon sa activity natin kanina? Sa Mathematics? Nagtanong kasi ako sa mga kaklase natin kanina, hindi ko kasi nakuha ang process ng pagsasagot. Tapos binigyan nila ako ng tips para mas madali makuha ang sagot. Gusto mo ituro ko sayo?" lumapit pa siya sa akin para makita ang mukha ko.

Itinulak ko naman ang mukha niya palayo. Ang awkward naman kung titingnan ko siya pabalik nang ganoon kalapit ang mukha namin.

"Nasagutan ko na 'yung akin. Hindi mo na kailangang sabihin ang process ng pag-so-solve mo." Sabi ko para hindi na siya magdaldal ng kung ano-ano.

Pero mukhang mas gusto niya ngang sumasagot ako sa mga sinasabi niya kaya naman nagsimula na naman siya ng panibagong topic na pag-uusapan.

"'Yung sa science natin? Tapos mo na? medyo mahirap 'no?"

Another DayWhere stories live. Discover now