CHAPTER 22

1K 31 0
                                    

* SHARA'S POV *



ngayon na ang araw ng Christmas ball pero siyemre di ako sasama, ano naman ang gagawin ko dun ? ipapahiya ko lang ang sarili ko siguradong magaganda ang mga suot nila wala ee pinanganak akong ganito ok lang naman ako though pinipilit ako nila Krista and Jana sila na daw ang bahala sa lahat pero nahihiya na ako palagi nalang nila ako nilelebre at ginagastusan kahit papaano ee may kahihiyan pa naman ako



" Shara , anak bakit di ka pa nag-aayos? di ba may ngayon yung Christmas ball niyo ? " ou nga dahil sabado ngayon siyempre andito si mama haay napa buntong hininga na lang ako kasi kahit sabihin kong ok lang siyempre may malaking parte saakin ang gusto sumama


" aa , ma hinde na lang po ako pupunta ang corney naman nun and mas gusto ko po dito kasama kayo , minsan na nga lang kayo andito aalis pa po ako " palusot ko niyakap na lang ako ni mama at niyakap ko din siya gusto ko sanang maiyak


" anak , sorry di kita mabigyan ng magandang buhay, alam ko nahihirapan ka dahil halos sayo ko pinapasa ang mga tungkulin ko bilang ina sa mga kapatid mo habang nag ttrabaho ako " di ko na mapigilan na mas higpitan ang yakap kay mama lalo na nung umiiyak na siya di ko na napigilan kaya umiyak na din ako



" ok , lang po yun ma , ang mahalaga po ay buo ang pamilya natin , masaya naman po tayo diba ? so okay lang po ako , wag na po kayo umiyak ma " kahit naman kasi mahirap lang kami talagang mahal kami ni mama kaya ok lang



" salamat anak , sige ipag luluto ko na lang kayo ng masarap na tanghalian kaya sige na anak mamili ka muna " sabay ngite ni mama pero may iba sa ngite ni mama parang may something kaya naman di ko na alng pinansin at pinunasan ko na lang ang luha ko


" opo ma , sige ma alis na po ako para makabalik po ako agad " tumango lang si mama pero nakangite pa din


" sige anak ingat ka aa " at humalik lang ako sa pisnge niya at tuluyan na ako lumabas di ko parin maiwasan ang malungkot dahil di ako makaksasama sa Christmas ball minsan lang mang yari yun sa isang taon haaay wala na akong nagawa kundi ang mag buntong hininga ....


habang nag lalakad ako parang may kakaiba , di ko alam pero parang sinusundan ako ng itim na Van , shocks kinakabahan ako kaya binilisan ko ang lakad , ganito pa naman yung mga napapanuod ko sa movie na kinikidnap tapos , tapos



huwaaaaaaahhhhhhhhh !!!!!!!!!! tulungan niyo ko saan niyo ko dadalhin !!!!



katapusan ko na ba ito ?!!! bakit ako kinuha ng mga lalakeng nakaitim at naka takip ang muka shocks



" bitiwan niyo ho ako , di kami mayaman wala po kayong makukuha saakin " sigaw ko pa din pero bakit parang walang nakakrinig saakin


" manahimik ka diyan " shocks nakaktakot yung boses niya ang lake di ata ako sasantuhin ng mga ito kulang na lang tawagin ko lahat ng santo kinakabahan na talaga ako

My first Love and Last ( awesomely completed )Where stories live. Discover now