CHAPTER 5

63 5 0
                                    

KISS

Inayos ko ang yoga mat malapit sa pool para makapag yoga naman ako ngayong araw. Naka suot ako ng leggings at yoga bra. I bun my hair into a high bun. Nag simula na ako sa pag po-pose para sa yoga.

Hindi masyadong mainit ngayon dahil makulimlim pero tingin ko naman ay hindi uulan. Pinag patuloy ko ang pag yo-yoga ko at pawis na pawis ako sa mga ginawa. Kailangan ko rin mag jogging bukas. Malapit na ang pasukan kaya kailangan gumanda lalo ang aking katawan, ayaw ko naman na pumasok na mataba.

Iniba ko ang pose at tumalikod para masimulan na ang ibang pose.. Muntik na akong matumba nang makita si connor sa sliding door na Naka hilig at nanonood sa akin! Agad akong pinag initan ng pisngi.

Anong ginagawa niya dito?

Hinayaan ko siyang manood at binalewala ang presensiya niya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko mabalewa ang presensiya niya. Hindi ko maiwasang ma conscious sa ginagawa ko ngayon. Hindi naman siya nag sasalita nanonood lamang siya sa akin pero ewan ko ba bakit ako naiilang sa kanya. Napa sulyap ako sa kaniya at nahuli ko siyang mariin na nanonood sa galaw ko.

Damn it.

Naka suot siya ng itim na damit hapit na hapit ito sa katawan niya at Black jeans naman ngayon. Mukhang may pinuntahan at dito agad siya dumeretso. Ang kamay niya niya pinag krus niya. Naka kunot ang noo.

“Wala dito si kuya...” binasag ko na ang katahimikan. Tinigil ko na rin ang pag yo-yoga ko at pumasok na sa loob ng mansion. Hinayaan ko siyang sumunod sa akin.

“Alam ko,”

Uminom ako ng tubig habang naka tingin sa kaniya siya naman ay naka tingin din sa akin at bumaba ang tingin niya sa katawan ko na agad niya namang ibinalik sa labi kong umiinom ng tubig.

“May pupuntahan ka?” tanong ko.

He licked his lips “Wala.. I'm free today.”

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. “May itatanong ako sa'yo. Mag papalit lang ako ng damit, pawis na pawis ako e,” bahagya akong tumawa.

“Anong bang pag uusapan?”

Ngumisi ako sa kaniya at lumapit “Mag bibihis lang ako...” then I winked at him.

Kailangan malaman ko kung sinong ina talaga ni aiden. Alam kong may alam ang isang iyon e, lagi silang mag kasama e, 'tsaka marami akong gustong malaman na tingin ko ay kaya niya namang sagutin.

Nag suot lamang ako nang simpleng white top at floral skirt. I curled my hair tips Para mag mukha akong matured.

Pababa na ako nang namataan ko si connor na tinitingnan ang mga Pictures ko. napangisi ako.

“Baka mainlove ka sa akin niyan?”

Nag iwas siya ng tingin at pinasa dahan ako ng tingin sabay dila sa kaniyang labi. He looked hot and handsome as fuck!!

“Upo ka.” anyaya ko. nag dadalawang isip pa siya kung uupo siya sa tabi ko. Nag pa handa rin ako sa katulong ng marienda namin.

“Anong itatanong mo?”

I chuckled then put my hands on his lap agad siyang naalarma at na patingin sa palad kong nasa hita niya na patingin din ako roon. Para bang hindi siya komportable na hawakan ko siya roon. Ngumisi ako sa isipan ko.

“Just straight to the point amber,” matalim niya akong tiningnan. Para namang may gagawin akong masama sa lalaking ito kung maka tingin sa akin ng masama.

Humalakhak ako at mas lumapit pa sa kaniya. Nakita kung paanong gumalaw ang adams apple niya.

He's so funny.

Wildest Dream (Altagracia Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon