KABANATA XV

32 3 0
                                    


December 30, 1899 -BOAC

NAKAKABINGING putukan ng kwisis , sinturon ni Hudas ang bumasag ng katahimikan sa labas ng mansion ng pamilya Salvacion. Ang ilang mga batang paslit at patuloy sa pag-ihip ng kanilang torotot at pagkalembang ng mga lata. Ang mga mesa'y nalalamanan ng iba't ibang putahe tulad ng lechon, paya, calamares at ilang kakanin. Maraming tao ang nakisalo sa pagsalubong sa bagong taon ng isa sa kilalang pamilya sa Marinduque. Lahat ng tao'y nagkakasiyahan maliban kay Estrella na nasa loob ng kanyang kwarto. Nakatanaw sa bintana habang pinagmamasdan ang matagal niyang sinisinta.

"Senorita, Wala ka po bang ganang tikman ang mga pagkain sa baba?," pag-aalalang tanong ni Rina habang inaayos ang mahabang buhok ni Estrella.

Lalong naging matamlay ang kilos ng dalaga at tila naging isang lantang gulay na humiga sa kanyang kama. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga habang pinipigilan ang pagtulo ng namumuong luha sa kanyang mata.

"Nawalan na ako ng gana dahil nakakabitter kasi ang tinginan ng magjowa sa panahong ito," bulong ni Estrella habang pinipilit burahin sa kanyang isip ang kanyang nakita.

Napansin ni Rina si Gabriel at Clarita na patuloy na nagtatawanan habang sinasaliwan ng tugtugin ang kanilang pagsayaw. Sumasayaw sila ng Carinosa habang nakikisabay ang ilan sa mga kadalagahan at kabinataan sa kanila. Patuloy naman ang pag-inom ng tuba ng mga kalalakihan na may pulutang balakwit at calamares.

"Hayaan mo Senorita at darating na rin ang iyong kasintahan na si Heneral Julian. Mukhang mas lalong rarami ang mga kababaihan na sumusulyap sa mga mukhang Adonis na darating!" panunukso ni Rina

Pumaltik ang taynga ng Senorita nang marinig ang pangalan ng kanyang kinaiinisan. Lalong nag-iba ang takbo ng hangin sa loob ng silid ng dalaga at naramdaman naman ni Rina ang paglamig temperatura.

"Pasensya na Senorita sapagkat natutuwa lang ako sa inyo ni Julian. Sapagkat ..."

"Huwag mo na ngang banggitin ang pangalan ng mokong na yon sapagkat lalong nadaragdagan ang aking stress. Gusto ko ng umalis dito!"

"Ano po ang Stress Senorita," Kumuha si Isabel ng kwaderno at sinulat na naman niya ang salita na kanyang natutunan. Kahit papaano ay naturuan siya ng kanyang ina sa pagsulat sapagkat ito ay nakapag-aral bago sila naghirap. Hindi lang niya maunawaan ang ilang mga salita na binibitawan ng kanyang Senorita.

"Stress? Ang hirap iexplain, Sobrang pagod?"napakunot ng noo si Estrella.

"Gosh, mukhang stress din po ako sapagkat nagwalis po ako kanina,"natutuwang wika ni Isabel sapagkat may bago na naman siyang natutunan. 

Mabilis na bumangon ang dalaga nang marinig ang mahinang pagkatok ng pinto sa labas ng kanyang kwarto. Marahang binuksan ni Rina ang pintuan at halos hindi maipinta naman ang mukha ni Estrella. Sa kanyang pakiwari'y si Marites na naman ay inutusan ni Clarita upang siya'y pakainin.

"Siguro'y gusto na namang magpainggit ni Clarita," nakabusangot na wika ni Estrella habang sinisilip ang nasa labas ng pintuan.

"Cristobal, ano ang pakay mo?" Pinipigilan ni Rina ang pagngiti ngunit ang mga mata nito'y nakailang sulyap kay Cristobal at pasimpleng tinitingnan si Estrella. Siniko pa ni Rina ang binata ng ilang ulit at napatigil na lang dahil sa matalim na tingin ng binata.

"Ay eh, Senorita baka gusto mong kumain. Hayan at pinagluto kita ng puto na may kasamang pansit at di di nu guan..." nanginginig ang mga kamay ni Cristobal habang iniaabot ang pinggan na nito na nasasapinan ng dahon ng saging

"Napakabuti mo naman Cristobal sa panahong ito," nagtatakang wika ni Estrella sapagkat ang Cristobal na kanyang kilala'y siya pa ang madalas hinihingan ng pagkain. Kumalam ang sikmura ng dalaga matapos maamoy ang inihandang pagkain ng binata.

TAKE ME BACK TO 2023 #WATTY'S 2022Where stories live. Discover now