Chapter 2

555 11 4
                                    

Nang makarating kami sa bahay nila farkas ay sinenyasan ako ng dalwa. Kaya ganon na nga ang ginawa ko. Dumikit ako ng dumikit kay farkas. Ito naman ay tatawa tawa lang.






Nang sulyapan ko si Nate ay nakakunot ang noo nitong nakatingin sakin. Mukang umeepekto sa kanya ang ginagawa ko.





Nagpatuloy lang ako sa pagdikit kay farkas hanggang sa may isang magandang babae ang pumasok sa pintuan nila. Nakita kong nakatitig rito si farkas. Wait mukang nene pa to ah?






Binati ito nila Rexter. Inasar pa nila ito. Halata ang pagkailang nito sa mga sinasabi nang dalwa.






"Tama na nga yan. Inaasar nyo yung bata eh." Kita ko ang pagkainis sa mga mata nya. Hala may nasabi ba akong masama? Omg.






Hindi kaya sya yung sinasabi nito na hinihintay nya?? Nalaglag ang panga ko nang marealize ito. Nang tingnan ko ang babae ay ramdam ko na masama ang tingin nito sakin. Hmmm mukang the feeling is mutual ha hindi palang nagkaka aminan.






Nilapitan ko ang magandang babae na iyon at nagpakilala. Peke akong napangiti dahil ramdam ko ang titig ni Nate sa akin.






Bumalik ako sa tabi ni farkas at mas isiniksik ang sarili ko. Why? I'm just hitting two birds in one stone. Naiinis na nakatingin samin si Ria ganon din si Nate.

*****

Inis na inis ako habang nakatingin kay Nitch at Farkas. Anong meron bakit ba dikit ng dikit si Nitch kay Farkas? Nang hindi na ako makapag pigil ay hinila ko na si Nitch paalis.





Dinala ko sya sa kotse at binuksan ang pintuan nito para sa kanya.




"Sakay." Sabi ko. Sumunod naman ito sa utos ko.





Selos na selos na ako bakit kailangang ganon sila kadikit? Narealize na ba ni Nitch na si Farkas talaga yung gusto nya? Tangina wag naman sana.





Nag drive ako at inihatid si Nitch sa bahay nila. Hindi na ako nagsalita at umalis nalang. Nang makauwi ako sa bahay ay pinagsisipa ko ang gamit ko sa kwarto. Nagtagal pa ako ng ilang oras sa ganon.






Nang sumapit ang hapon ay umalis ako. Hindi ko na kayang tiisin 'to halos isang taon na kaming ganito. Tss asa naman silang ibibigay ko si Nitch kay Farkas.







Nag drive ako papunta kila Nitch sinundo ko ito at pinasakay sa kotse.







"San ba tayo pupunta?" Tanong nito.







Hindi ko iyon pinansin dahil naiinis parin ako dahil sa nangyari kanina. Naiinis ako sa sarili ko dahil napaka torpe ko pagdating sa kanya. Naiinis ako kasi hindi ko maamin sa kanya.








"Ano ba Nate! San ba tayo pupunta?!" Sabi nito. Itinigil ko ang kotse ko sa gilid. Natanaw ko na malapit pala sa dagat ang napuntahan namin.






Bumaba ako at pinagbuksan sya ng pintuan. Naglakad kami papunta sa tabing dagat. May ibang mga tao roon ngunit hindi naman masyadong madami.





"Ano bang problema mo?!" Inis na sabi nito sakin.







"Anong meron sa inyo ni Farkas?! Bakit dikit na dikit ka sa kanya? Kayo na ba? Gusto mo ba sya? Kasi tangina selos na selos na ako dito nitch oh. Pagod na akong maging torpe!" Inis na sabi ko din.






"A-ano bang sinasabi mo dan Nate." Mahinang saad nya.





"Gusto kita Nitch di mo ba nakikita yon? Gustong gusto ki--"






"Gusto rin naman kita." Mahina at nahihiyang sabi nito.





Feeling ko nabuhayan ako ng dugo sa sinabi nito.






"U-ulitin mo.. ano ulit yon?"






"G-gusto din naman kita Nate.." Sinugod ko ito ng yakap at hinalikan ang noo nya.





Ako na ata ang pinaka masayang nilalang sa mundo. Sana ganito nalang palagi.






Umupo kami sa buhanginan at sabay pinanood ang paglubog ng araw.






"Alam mo bang gustong-gusto ko palaging panoodin ang paglubog ng araw? Kasi parang yun yung nagpapatunay na hindi lahat ng nagpapaalam pangit ang kakahinatnan." Sabi nya.






"I can be your sunset and sunrise. Umalis man ako babalik at babalik parin ako para sayo."







Hinalikan ko ito sa may sintido dahil sa sinabi nya. Sana hindi na matapos ang ganito. Sana palaging ikaw at ako.

 Sana palaging ikaw at ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lost In thoughts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon