1

26 3 2
                                    

#twins

Ashi's POV

Yow! Ako nga po pala si Zerkashi Blasy Mendoza 16yrs old. Nakatira sa Walanghanggan street. Oh diba? Sosyal ng barangay namin? Haha, ako ay isang simpleng tao, walang arte sa buhay, mahal na mahal ko ang aking pinakamagandang kambal sa boung mundo na si Zarkishi Whiny Mendoza. Mabait sya, at maganda pa!

"ASHI! LINISIN MO NGA YANG TAE NI KOKO! IKAW NAMAN ICHI, PALIGUAN MO SI KOKO!" ayan na naman po tayo. Yung sumigaw ay si nanay Teresita o nene T. Yan daw gusto nyang itawag namin sa kanya. Ewan ko dyan kay nanay, masyadong feeling, may pa accent accent pa sya dawng nalalaman.

Tumayo na kaming dalawa ni Ichi, nag lalaba pa kasi kami. Si nanay naman, nag beu beauty rest. Eh hindi naman maganda, wala na yang pag asa pang gumanda! Kami ni Ichi, mayroon pa! Haha! An sama ko bang anak? Eh, sobra na kasi sila.

"Hahayy, kapagod Achi," sabi nya saakin. Umagang umaga pa lang, nag simula na kaming magtrabaho, may marami kasi kamin mga sidelines, pam pa dagdag naman sa puhunan sa buhay. Mahirap lang kasi kami. Malapit na din gumabi.

"Tama ka Ichi, masanay rin tayo. Kung gusto mo, ako nalang magpa ligo kay Koko?"naawa na kasi ako kay Ichi, mababakas sa kanyang mukha ang pagkapagod. Makakaya ko pang magtrabaho kahit pagod na ako. Alang alang sa pamilya ko, lalong lalo na kay Ichi, mahal na mahal ko yang kambal ko. Sya nalang kasi yung nag mamahal sa akin dito sa pamilya.

Di kasi namin naramdaman na minahal kami nila nanay at tatay kahit isang beses lang. Nakatuon ang kanilang lahat na atensyon sa bunso naming kapatid na si Rea. 15yrs old. Lahat nalang, pati pag mamahal.

Napaisip nga kaming dalawa ni Ichi, baka ampon lang kami, o, anak kami sa labas.

"Naku! Wag nalang Achi! Ako nalang gagaw, pagod ka narin eh. Unfair naman kung ganon diba?"sabi nya saakin sabay punta doon kay Koko.

Si Koko pala ay isang napakalaking aso. Kung tatayo sya, hanggang balikat sya namin. Ganyan kalaki si Koko. Kami lang ni Ichi ang napapaamo nya.

Di nga makalapit sila nanay at tatay eh! Pero, lab na lab naman nila si Koko. Nakakainggit naman talaga si Koko, pinapakain sya, pinapatulog sa kama, nililigo, at minamahal.

Sobrang nasaktan kami ni Ichi kung papano nila tratohin si Koko. Sana nga maging aso nalang kami para mahalin din namin sila.

"Hayyy, sige na nga! Tara! Bilisan na natin dahil may ibibigay ako sayoo" excited kung sabi.

"Waaah! Dali! Bilisan natin! Hihi excited na koooo~"haha! Halata naman na excited sya eh!


------

Pinupulot namin ni Ichi ang mga rumi ni Koko. Napag desicionan kasi namin na mag tulongan para fair. Di kasi namin papabayaan ang isa.

Kung ang isa ay nahihirapan, dapat tulongan,

Kung ang isa ay napapahiya, dapat napapahiya din ang isa.

Hindi namin iiwan ang isa't isa, hanggang sa mag world war 10. Itaga nyo yan sa inyong mga ilong at sipon.

Maya maya, natapos na din kami. Pumunta na kami sa likod ng bahay para mag igib ng tubig para pampaligo ni Koko.

Ito talaga ang pinakaayaw ko, may pila kasi. Tapos ang daming mga tao. Kung pwede nga lang ihinto ang oras tapos tapos, kami ang uuna! Haha! Pero, wala eh, normal lang tayo na tao.

"Hi Achi at Ichi" sabi saamin ni Totoy na may malapad na ngiti. Kala mo naman ang puti puti. Tss. Asa ka men.=.=

Ngumisi lang kaming dalawa ni Ichi sa kanya. Di na kami mag salita, baka mahimatay pa kami! Grabe, mabuti na nga lang, malayo sya saamin. Kung hindi, sprayhin ko sya ng Baygon !

Hindi na kami kinausap pa ulit ni Totoy. Mabuti nga kung ganon.

Ng malapit na kami, may isang hambog naman ang lumapit saamin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Ichi. Ganon din sya, takot kasi sya dito kay hambog.

"Yow achi!*tingin kay Ichi* yow Ichi! *tingin sakin*" oh men, haha! Nalilito pa parin sya saamin. Naks naman,

"Yowyowin mo mukha mo hambog!" Sabi ko sa kanya na hindi tumitingin.

Alam kong naka ngiti ang hambog ngayon ng malapad.

Pwede na yan ipasok sa perya.

"Sayang naman ang gwapo kung mukha" ang hangin talaga nitong hambog na to! Di naman gwapo, malaki ilong, malapad ang noo, malaking lips, malaking tenga, at malaking katawan! Pero di naman abs ang laman dyan, kundi uod. Yieks!

"Asa men"sagot ni Ichi. Hindi na ata nya nakaya ang kahanginan ni Hambog.

Talagang Hambog po ang kanyang pangalan, bagay naman sa kanya. Diba?

"Woah! Ui Achi ha- ay este Ichi ay Achi pala- ey Ichi! Ay basta! Kayong dalawa, malapit na maubos pasensya ko sa inyo. Malapit na malapit na" naggigigil na sabi nya saamin sabay alis.

Tss.walk out si dude.

Pagka alis ni Hambog, sakto naman na kami na, kaya umigib na kami.

-------

"Waah! Koko! Wag namang malikot oh! Aish!" Ichi

"Hahaha! Ang dumi mo na Ichi! Hahaha!" Tawa parin ako ng tawa, eh sa nakakatawa yung mukha ni Ichi eh!

Pft! May marami syang bubbles na sabon sa kanyang mukha, tas parang naliligo na din sya.

Di ako nadamay kasi, nasa malayong malayong lugar. Di jwk lang. Hihi syempre nadamay din ako noh! Pero, kunti lang. Di kagaya ni Ichi na an dami! XD

"CHE! Ikaw kaya dito, kala mo ang dali dali lang ha! " naku po! Galit na si kambal.

"Hihi. Sorry na kambal, wag ka ng magalit! Ouh na, ako na dyan" tas agaw nung kabo sabay ligo kay Koko.

"Hehe. I so lab you talaga Achi! *sabay hug* tayo nalang dalawa dyan! Baka umiyak ka eh. " nag salita ang hindi. Naks naman .

"Hmp!" Wala eh, sa di ko sya matiis.

"ACHI! ICHI! PUMASOK NA NGA KAYO DITO! MAG HAING NA KAYO! TAPOS GUMAWA KAYO NG SNACK NI REA!! BILISAN NYO!!" hahayyy, para naman kaming yaya ni Ichi nito ah! Grabe na talaga si nanay.

"Opo nene T!" Sigaw din namin pabalik ni Ichi kay Nanay.

Tinapos muna namin yung ligo ni koko. Tapos pumasok na din kami.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 24, 2015 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Cute Twin's StoryTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang