1

20 1 0
                                    


R.

Matagal na kami magkakilala. 2016 pa. In fact, nagkasama pa nga kami sa isang kwarto nung nag-campaign kami sa Hong Kong nung 2016. Madaming nangyari nung ilang araw na yun, kaya nung gabi bago kami umuwi, nagkayayaan kami mag-inuman. Chill lang, kasi malamang di na namin magagawa 'to pagbalik ng Pilipinas kasi ang dami nang mga matang nakatingin sa 'min, naghahanap ng mali. As if naman mali uminom di ba?

Alam naman na namin sa campaign team na maganda si L. Crush ng bayan nga sa lower house di ba? Kung tutuusin, parang siya nga lang ata yung hindi nakakaalam na maganda siya eh. Mapa-Pilipinas o Hong Kong, ang daming nagpapapicture, ang daming nagpapapansin. Pati sa mga foreigner, ang lakas ng dating. Pero kung di mo alam na nagkakampanya 'to para maging bise, napaka-timid niya. Ayaw niyang nasa kanya lahat ng atensyon. Pero wag ka, kapag pinansin ka na niya, ipaparamdam niya sa 'yo na ikaw yung pinakaimportanteng tao sa mundo, kahit pa nasa crowd kayo. Kung ganyan ba naman kaganda at katalino, di ba gugustuhin mo rin makahanap ng isang L? Kaya sa dami na nag-aya sa kanya over the last few days, I admit kinilig ako ng konti dahil ako lang nakapagpa-oo sa kanya.

Nung naginuman na, napaka-komportable namin sa isa't isa – hawak kamay paminsan-minsan, mga tapik sa braso, minsan hihilig siya sa balikat ko. Nung unang bote, natuwa ako na after three days, buti naman di na siya nahihiya sa 'kin. Pero nung nakaka-tatlo, apat na bote na ako? Hindi ko alam kung dala lang ng init na epekto ng alak, o dahil sa sobrang busy ng kampanya at medyo matagal na ring walang sex, pero dahil sa mga pahaplos-haplos niya sa katawan ko, parang nagiinit na rin ako. Tapos di pa nakakatulong na halos kami na lang ang magkausap ngayon, at lahat ng sinasabi nila, binubulong niya sa tenga ko at kanina pa ako nakikiliti.

Di na ako maka-focus sa pinaguusapan namin sa pang-anim na bote ko, pero nung bumulong siya sa 'kin at sinabing "Sa, balik na kaya tayo sa hotel? Nakakailan ka na rin. Iwanan kita dyan, sige ka", hindi ko alam kung bakit tumayo ang balahibo ko, nakuryente ang likod ko, at lalong uminit sa gitna ng binti ko. Punyeta, bakit ganito ang reaksyon ko sa kanya?

Tinitigan ko ang maamo niyang mukha na ang laki ng ngiti sa 'kin – mukhang di naman siya seryoso sa pagiwan sa 'kin. Buti naman at puro lalaki ang mga kasama namin! Pero napatitig ako sa mga labi niya, at parang nanuyo bigla yung labi ko. Gaano katagal na kaya simula ng nahalikan siya ng iba? Magaling kaya siya humalik? Nakahalik na kaya siya ng babae?

Hala teka, saan nanggaling yung last?

Biglang may nagpatong ng kamay sa hita ko. Lord above, wag naman ngayon, marupok ako!

"Sa, kapag ako natunaw sa titig mo, mawawalan tayo ng bise, sige ka."

"May mayabang ka rin palang side ka! Mananalo ka agad?"

"Ah- eh- di naman. Pero siyempre, yun naman rason natin para mangampanya di ba?"

"Kahit naman hindi ka mangampanya," sabi ko habang hinahaplos ko ang pisngi niya, "ikaw pa rin naman ang bise ko."

"Ang sarap, ang init ng kamay mo Sa. Ang lamig pa naman ngayon dito. Pero ano, tara na ba?"

"Opo, aking bise."

"Grabe, ang damot mo naman! Para sa bayan 'to hehehe."

Ayun, nahiya na ulit siya. Pero ang lakas ng dating niya lalo kapag confident siya ha. Kapag eto naging presidente, madaming matatanggalan ng angas 'to.

Kinuha ko ang kamay niya nung paalis na kami. Wag ko kaya bitawan 'to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lion RockWhere stories live. Discover now