II

26.5K 438 65
                                    

II

PAGPASOK PA LANG ni August sa loob ng Montemayor Corp. Building. Lahat ng tao rito ay napapatingin sa kaniya. Sa angking taas ba naman nito at idagdag pa ang tikas ng katawan at gwapong mukha. Siguradong mapapatingin ka talaga dahil sa gwapong lalaking naglalakad. Ang ngiti pa nitong lalong dumagdag sa karisma niya. Ang maabong mata na lalong nagbigay sa kaniya ng kagwapuhan at ang matangos na ilong na dumagdag sa appeal niya. Ang mataas na pilik-mata na bumagay sa naggagandahan niyang maabong mata. All in all. He's freaking damn gorgeous man. Lahat na 'ata nagkakagusto sa kaniya. Babae man o lalaki.

Lahat ng mga mata na nakatingin sa kaniya ay hindi lang sa gwapong mukha niya nakatingin. Nakatingin din ito sa maskuladong katawan at bumakat sa suot niyang slacks sa pagitan ng dalawang hita niya.

Ito ang ayaw ni August sa lahat. Dahil agaw atensyon talaga ang nasa loob ng slacks niya kahit ito ay tulog. Bumabakat ito kahit anong uri ng pang-ibaba ang suot niya.

"Good Morning, Sir." Kaliwa't-kanan ang bumati sa kaniya tuwing madadaan niya ang mga empleyadong nagtatrabaho sa Montamayor Corp. Company.

Isang simpleng ngiti lang ang binigay niya bilang pagtugon dito. He's late already at alam niyang nakahanda na si Amadeus na talakan na naman siya nito.

Natagalan siya kasi dahil sa naka-usap niya sa labas kanina na napagkamalan pa siyang guard.

Hindi niya alam kung bakit kinausap niya ito. He already knew he's late pero nagawa pa rin niya itong kausapin at bigyan ng oras.

Para kay August, he found interesting about Maxine. Hindi niya alam kung bakit. Basta nang makita niya ito, naging interesado siya rito no'ng unang tingin niya.

When he see her beautiful face, her hazelnut eyes, her pointed nose and kissable red lips na sarap halikan hanggang sa magsawa ka na.

Napahilot si August sa sentido niya dahil sa kung ano ang iniisip niya. It's been a long year na may gusto siyang halikan na babae.

Giving her a chance to work with me is a big mistake to me in the near future.

Kahit may kabang nararamdaman si August ay desidido na siya sa desisyon niya. Wala nang atrasan pa. Instead na patungo na siya sa opisina niya, nagawa pa niyang bumalik sa baba para lang sa gusto niya. 'Yon ay ang makita ang dalaga.

HINDI PA rin makapaniwala si Maxine sa nangyari. She still shock at hindi pa rin nag sink in sa  utak niya na napagkamalan niyang guard ang C.E.O ng Montemayor Corporation.

I'm dead! Really dead! Maxine thought. Halos doble ang kaba niya nang malaman ito kanina. Nakakahiya talaga ang ginawa niya. All of the sudden, bakit guard pa talaga ang unang pumasok sa isip niya. Paikot-ikot siya ngayon sa kinatatayuan niya dahil sa gulat at hindi makapaniwala sa nangyari.

Pwede namang ibang trabaho ang inakala niya pero guard talaga ang unang pumasok sa isip niya. Kanina pa siya pabalik-balik sa kakaikot. Natatakot siya na baka, namali lang siya ng rinig kanina.

Handa na sana siyang umalis dahil wala talaga siyang chance at mukhang nagbibiro lang sa sinabi sa kaniya na maging babysitter lang siya. Iniwan ba naman siya nito na parang wala lang.

Nagsimula na si Maxine na lumabas sa Montemayor building when someone grabbed her wrist at ikinulong siya sa isang pader.

"Where do you think you were going?" a husky masculine voice shivered in her spine when she heard.

Napatingala si Maxine para matingnan ang may-ari ng boses. Halos hindi makasagot si Maxine dahil ang gumawa sa kaniya nito ay ang may-ari kung saan siya nakaapak ngayon.

WALANG nagawa si Maxine habang sakay siya sa isang black Lamborghini Aventador LP 700-4 na pagmamay-ari ni August kun'di ang tumingin sa loob ng kotse.

First time makasakay ni Maxine sa magarang kotse kaya naman ay halos manginig siya sa tuwa. Never in her entire life na maranasan niya ito kaya naman susulitin na niya ang oras na sakay siya rito.

Wala na sa isip ni Maxine na nagmumukha siyang baliw sa ginawa niya basta nakasakay siya sa isang kotse na sobrang ganda.

"What a crazy girl." Sa isip naman ni August habang nagmamaneho. Hindi niya alam mas pinili niya itong babae kanina over sa business meeting niya sa kay Paulo na owner sa isang village —  hot daddy village. Kung saan lahat ng tumira sa village ay mga hot daddies na single dad kagaya niya.

Basta ang alam niya kanina habang iniwan niya ito sa ground floor ng Montemayor building ay para siyang hilain pabalik sa puwesto nito kung saan niya iniwan.

Tinuloy na lang niya ang pagmamaneho habang nakatingin pa rin paminsan-minsan kay Maxine na tuwang-tuwa.

Dumating agad sila sa mansyon niya kung saan sila nakatira ng kambal niyang anak at ang butler niyang si Amadeus. Una siyang lumabas sa kotse niya. Sinalubong agad siya ni Amadues.

"May naiwan ka ba, boss?" Salubong agad kay August.

"Wala, Amadeus." Natigilan si nang makita niya na may lumabas sa kotse ng boss niya.

Isang maliit na babae. Hindi naman masyadong maliit pero sa height niya na five nine ay maliit talaga ito para sa kaniya.

"Let's talk about her inside." Nakuha naman ni Amadeus ang gustong ipahiwatig ni August sa kaniya kaya naman hindi na siya nagsalita.

"WHY her?" Tanong agad ni Amdeus.

August cleared his throat first, "Why her? Because she not pretty. Not even sexy. Wala ring dibdib at alam kong I won't fall for her. She's not my type."

Pero para kay Amadeus may iba sa titig ng boss niya habang nakatingin sa bagong babysitter ng anak nito.

"Are you really sure about her?" dagdag pa niyang sabi kay August.

"Yes! I am!" proud na sagot ni August sa butler niya.

Nagtaka rin siya sa una bakit gano'n ang itsura ng kinuha niya. Hindi naman pangit ito kung aayusan lang ay may ibubuga rin naman ito pagdating sa itsura.

Pero nasanay siya na high class ang kinukuha ni August para maging babysitter ng anak niya.

Natutuwa rin siya dahil may kasama na siya magbantay sa kambal na anak ng boss na sobrang spoiled.

At least may karamay na siya na sasakit ang ulo sa kambal.

"I need to go. Ikaw na bahala sa kaniya." Paalam ni August sa butler niya.

"Ingat." Amadeus replied.

TILA nahihiya si Maxine dahil mag-asawa pala ang nasa harap niya. Ang guwapo pa naman nila pareho pero mag-asawa pala. Nang marinig niya na aalis na ito ay lalo siyang kinabahan.

"Sana mabait ang asawa ni Sir," sambit niya sa sarili.

"Hi, I'm Amadeus. August's butler." Napako si Maxine sa kinauupan niya dahil sa narinig.

"Oh my God! B-Butler pala. A-akala ko asawa niya."

"May sinabi ka ba?" Tanong sa kaniya ni Amadeus.

"Huh? Wala. Ang pogi mo. Pakiss nga." Biglang na napatakip sa bibig si Maxine.

"Kahihiyan slash kaharutan 101 mo Maxine!" namumulang sabi niya sa sarili.

 A/N: Sorry for the long wait. I'm kinda busy with my studies. Hopefully you'll understand! You can add/follow me on FB. For the updates!

Name: Kuro Vòn
Link: https://www.facebook.com/von.xev.4356


 


























August's Craig ( Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon