DANCE WITH ME

38 8 8
                                    


Tahimik akong nakaupo sa room nang lumapit sa akin ang tatlong lalaki.

"Hey, may baon ka ba?" 

"Amin na yan. Bigay mo na!" Sabi pa ng isa sabay batok sa akin. 

"Wala akong baon. Tigilan nyo na nga ako!" Sagot ko sabay tayo sa upuan.

"Aba, lumalaban ka na ah! Akin na sabi!" Sabi pa ng isa.

Nang hindi ko sila sinunod ay kinuha nila ang bag ko at sinuntok nila ako. Hinalughog nila ang bag ko at kinuha nila ang 100 pesos kong baon na pang isang linggo ko na. Umalis sila nang hindi ibinabalik sa bag ko ang mga gamit na ikinalat nila sa sahig. Iniligpit ko ito at saka bumalik na ako sa upuan. 

Bago ang lahat ay nais ko munang ipakilala ang aking sarili. Ako si Dexter Santiago, isang grade 9 student. Tinatawag nila akong nerd dahil bukod sa nakasalamin daw ako ay hilig ko din ang pagsulat ng tula. Introvert daw ako kaya sa room namin ay ni isa, wala akong kaibigan.

Palagi akong binubully ng tatlong lalaking iyon. Kinukuha nila ang baon ko, mapa-pagkain man iyon o pera. Araw-araw din nila akong sinusuntok. At dahil nga sa wala akong kaibigan ay walang nagtatanggol sa akin at wala ring sumasaway sa kanila. Ginagawa nila iyon kapag walang teacher sa harapan.

Kaya, kada pag uwi ko sa bahay ay napapagalitan ako ni mama dahil lagi akong may pasa sa mukha. Sinasabi ko na lang na wala lang iyon.

Isang araw, lumapit na naman sila sa akin at tinanong kung may baon ako. As usual, sinabi kong wala, kahit meron naman, at after nun ay hinalughog ulit nila ang bag ko. Pero, this time, hinataw na nila ako ng baseball bat sa batok, dahilan para mandilim ang paningin ko at nawalan ako ng malay.


Paggising ko ay nasa clinic na ako. Sabi ng nurse ay wala namang damage sa loob ng katawan ko, pero pinauwi na ako ng bahay dahil masakit pa din ang batok ko.

Nagtaka ang mama ko, sabi bakit ang aga ko daw, dinahilan ko na lamang na wala nang klase kaya ako umuwi agad.

Nang hapon ding iyon ay nagkulong na lamang ako sa kuwarto. Bakit ganon? Bakit araw araw nila akong binubully? Dahil ba nerd ako?

Punong-puno na ako sa kanila. I can't take it anymore. I need to do something para matigil na ang pambubully nila sa akin.


The next day ay inannounce ng adviser namin na malapit na ang aming Masquerade Ball. Ayun ay isang uri ng party na parang js prom pero ang twist ay nakasuot ka ng maskara. Naisip kong umatend na lang kahit wala akong kaibigan doon.

Ohh, wait lang. Alam ko na kung paano ako makakaganti sa tatlong iyon.


I spent the weekends on the mall, buying clothes and accessories. I've watched videos kung paano maging aesthetic at kung anong qualities mayroon ang isang bad boy.

Oo, magpapanggap na lang muna ako na bad boy. Baka sakaling mag work at matauhan ang mga bully na iyon. Six days akong nagpractice, nagpa-pogi, at nagsanay magsuot ng contact lenses. Hindi kasi pwede sa bad boy ang may salamin, that's why.


And, dumating na ang araw ng Masquerade Ball. Nag-ayos ako. I looked in the mirror. Ibang-iba ang itsura ko kaysa sa totoong ako. Blue eyes, nice hair, all black outfit, gold chain necklace, a fake piercing, and light red chapstick...nagmukha akong bad boy, siguro naman ay hindi na nila ako bubulihin nito.

Nang pumasok ako sa venue ay nakita ako ng tatlong lalaki na nambubully sa akin.

"Pre, bago ka lang ba dito? Ngayon ka lang namin nakita eh." Sabi nila.

Dance with me (a one-shot story)Where stories live. Discover now