CHAPTER 4

56 2 0
                                    

CARA POV:

Andito na ako sa may rooftop at patuloy na umiiyak. Hindi pa din maalis sa isip ko yung mga nakita ko kanina. Inggit, sakit, at galit ang nararamdman ko ngayon.

Inggit dahil ni minsan ay hindi ako nagawang halikan ni Thunder maski sa pisngi dahil pirmahan lang ang nangyari sa amin at tanging pamilya niya lang ang nakakaalam pati na din ang pamilya ko. Sakit, dahil hindi ko alam na kaya niyang gawin yon sa harap ko mismo.

At huli ay ang galit, hindi para sakaniya kundi para sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang pakawalan gayong alam ko naman na hindi ako ang babaeng mahal niya.

Napatigil ako sa paghikbi nang may makita akong sapatos sa harapan ko. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko at ganon nalang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang may ari ng mga sapatos na iyon. Walang iba kundi si Dwayne Gomez, ang kapatid ng babae ng asawa ko at isa din siya sa mga matatalik na kaibigan ni Thunder.

Nakatingin ito sa akin na para bang naaawa siya sa kalagayan ko. Mabilis akong tumayo akmang aalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Are you okay miss?" Mahinhin na tanong niya sa akin, hindi maipagkakailang magkapatid nga talaga sila ni Anne dahil sa tono ng boses nito na para kang hinehele sa sobrang hinhin at hindi makabasag pinggan.

"O-oo ayos lang a-ako, b-bye." Utal utal kong sagot at aalis na sana ulit nang pigilan niya ulit ako.

"Mind sharing it with me? You know, I hate seeing a girl cry. Don't worry, you can trust me." Mahabang saad niya sakin kaya naman ay unti unting tumulo ang mga luhang kanina pa gustong lumabas. Dahan dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako kaya wala sa sarili akong yumakap pabalik at umiyak ng umiyak.

Hinayaan niya lang ako sa ginawa ko at hinaplos haplos ang buhok ko na nakatulong naman dahil unti unting gumagaan ang nararamdaman kong sakit ngayon.

"Shhh, cry all you want, I'll stay here. It's okay if you don't want to share it, I understand." Mahinhing sabi niya habang patuloy ang pag haplos sa uluhan ko. Habang tumatagal ay gumagaan na ang pakiramdam ko kaya dahan dahan akong humiwalay at nahihiyang napatingin sa nabasa niyang uniform dahil sa luha ko kaya napayuko ako at nagsalita.

"S-sorry nabasa k-kapa ng luha ko, p-pasensya na tala-" naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang mahinhin niyang tawa na parang musika sa aking tainga. Napaangat ako ng tingin at doon ay nakita ko ang muka niyang nakangiti saakin na parang anghel.

"It's okay, it's not big deal. Besides, I'm happy that I am able to help a beautiful girl like you." Nakangiti niyang saad na nagpapula sa buong muka ko, napayuko ulit ako bago utal utal na nagpasalamat kahit na ang awkward na para sa akin.

"It's nothing, so uh friends?" Alok niya saakin, gulat akong nag angat ng tingin sakaniya dahil siya ang unang tao na nakipag kaibigan sakin dito sa loob ng University na 'to.

Ngumiti ako bago nahihiyang tinanggap ang kamay niyang nakalahad.
"Yes, friends." Ewan ko pero— ang gaan na talaga ng pakiramdam ko sakaniya. Siguro ganito yung feeling na magkaroon ng kaibigan, ang sarap sa pakiramdam.

Nabalik ako sa ulirat nang marinig namin ang bell hudyat na oras na nang klase.
"Let's go? The class was about to start." Nakangiti niyang tanong kaya sabay na kaming bumaba na may ngiti sa labi.

Wala nang masyadong tao sa hallway kaya walang nakakita sa amin ng magkasama kase baka pag nagkataon ay atakihin ako ng mga fan girls niya. Naghiwalay kami ng way na pupuntahan dahil magkaiba ang building ng mga 1st year at 3rd year college.

Hayst, may nangyari mang kinasakit ko ngayong araw. Nagpapasalamat pa din ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan ngayong araw.
__________________
At ang araw na yon pala ang magbabago sa takbo buhay ko— buhay naming mag asawa.

-END OF CHAPTER 4-

REGRETS OF A HUSBANDWhere stories live. Discover now