The Unfaithfuls Series 1

0 0 0
                                    

The Husband

Why do husbands cheat? Because it's their choice. But why did they choose to cheat? They can just cut the ties with the legal than to be a sinner and unfaithful. So again, why do husbands cheat?

"I'll love you 'til death do us part."

"For sickness and in health,"

"I vow to be with you,"

"I promise to be faithful..."

Different scenarios formed in Marie's head like it just happened yesterday. Their wedding vows.

Tahimik siyang umiyak habang nakaupo sa nakasarang toilet bowl habang yakap ang nakatiklop na paa. It's 4:00 AM but she can't sleep.

Hinihintay niya ang pagdating ng asawang si Josh. She haven't eaten anything. They had a very big fight yesterday and she was hoping that they'll talk to understand things but he is still not home.

Hindi na niya alam ang gagawin dahil sa sunod-sunod na problemang sumubok sa pagsasama nila ng asawa. Last week, her husband's company got bankrupt, they had a fight earlier because of the bills, she had a miscarriage, and hours ago, her friend, Stacy sent a picture; Josh with a girl in front of a motel.

Sobrang higpit ng hawak nya sa cellphone habang humahagulgol. She was thinking if what Josh is doing right now. Is he on the bed with that girl? Are they having fun?

She was expecting that she and her husband will comfort each other after losing their child, because they just lost the blessing they've been waiting for 3 years. Pero mas pinili pa'ng maglasing nito at pumunta sa motel kasama ang ibang babae.

Nakatulog si Marie sa CR at nagising na lang siya na sumisilip na ang sinag ng araw sa maliit na bintana sa CR nila. Lumabas siyang namamaga ang mata at ni anino ng asawa ay hindi niya nakita. He didn't come home last night.

Agad niyang tinawagan ang kaibigan para imbitahan itong lumabas, because she felt suffocated inside the house alone. "Stacy..."

"Marie! Ayos ka lang ba? Ano? Umuwi ba yung asawa mo? Sabi kasi sayo--"

"Pwede ka ba ngayon? Gusto ko lang malibang. It's been years since the last time I had fun." Sinubukan niyang magtunog na masigla pero nakarinig siya ng buntong-hininga sa kabilang linya.

"As much as I want to... busy ako ngayon, eh. Nasa ibang bansa si Rick, kaya naiwan sa akin ang mga bata. Day-off pa naman ngayong araw ng yaya nila. Sorry, Marie." Napabuntong hininga na lang siya. Anong gagawin niya ngayong maiiwan siya sa bahay nilang mag-isa?

"Okay lang. Sa susunod na lang. Bye." Stacy bid her goodbye as well. Naghanda na lang siya ng pagkain at kumain kahit na wala siyang gana. After eating, hinayaan niyang mabaliw siya sa tahimik na bahay. Kusang pumapasok sa isip niya ang mga alaala na dati ay sa tingin niya'y masaya pero mas sumasakit lang ang dibdib niya sa iniisip.

How can he not be home today? Kung dati ay si Josh pa ang unang bumabati sa kaniya tuwing anibersaryo nila, pero ngayon wala siya... ngayong araw ng anibersaryo ng kanilang kasal.

Patuloy niyang iwinawaksi sa isip na may ibang babae ang asawa, na baka staff lang ng motel ang babae dahil naka-uniform ito. Natigil ang pagmumuni muni niya ng tumunog ang doorbell ng bahay nila.

Sunsets And GoodbyesWhere stories live. Discover now