chapter four

0 1 0
                                    

J.

Franc POV

Nanatili akong tahimik sa isang buong araw. Walang ginawa kundi pakiramdam ang mga nakapaligid sakin.

Kani pa ako atat magsalita, sadyang pinipigilan ko lang ang sarili ko. Hindi lang dahil sa pag tawag sakin ni Zyro sa pangalang kinamumuhian ang dahilan ng pananahimik ko, may iba pa akong ranson para magkaganito.

"Can we talk?" I ask Zyro.

Hindi ko na kayang manahimik, ginugulo ng nagdadagsaan na tanong ang utak ko. I can't keep silent anymore.

Bakas sa ibang kasamahan namin ang pagkabigla sa kauna-unahang beses ngayong araw na pananalita ko. Pero wala sa plano ko ang intindihin iyon, the only thing i want is just to confirm what was i saw lately.

"I just wanna assure something's" Saad ko pa habang ang mga mata'y nakapako kay Sky.

Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi pa malabo ang mata ko para hindi tumama ang nakita ko, and to assure if i was right., I need Zyro.

"Mag aayos na kami sa taas, mag ayos narin kayo boys" Saad ni Sky sa dalawang kalalakihan naming kaibigan, bago tumayo sa pagkakaupo. "Sumunod nalang kayo" aniya pa saamin ni Zyro na tanging tango lang naging sagot.

"Mabilis lang 'to" Saad ko kay Sky bago balingan ng tingin si Zyro.

Waling imik ang tatlong sumunod kay Sky sa pag-akyat sa ikalawang palapag, habang kami naman ni Zyro'y nanatiling takatitig sa isa't-isa habang hinihintay na tuluyang maka akyat ang tatlo.

Kakaiba ang pagtibok ng puso ko habang tinitingnan ang mga mapupungay na mata ni Zyro. Para ba'ng na ngungusap ang mga mata n'ya, wala ka pa'ng itinatanong nasasagot na ng mga mata n'ya. Kakaiba.

"You see it?" Direktang tanong ni Zyro matapos naming marinig ang paglagatik ng dalawang pinto sa taas.

"What?" Para akong nabalisa sa direktang tanong na yun ni Zyro.

Hindi ko inaasahang mabilis niyang mahuhulaan ang sadya ko sa kaniya kaya't nababalisang napatitig ako sa kung saan-saan.

Umastang tatayo na si Zyro sa kinauupuan nito ng lumipas ang mitunong wala akong makapa na sagot sa tanong niya kaya nabalot ng katarantahan ang katawan ko.

"I saw him putting—"

"Small cam" Pamumutol nito sa sasabihin ko kasabay ng paghagis niya ng isang bagay sa tabi ko.

"Hidden cam?" Patanong kung saad ng makita kung anong bagay ang binato niya.

"Hindi ka bingi para ulitin ko pa ang sinabi ko hindi ba?" Medyo buryong na buryong na nitong saad. "Small cam and hidden cam si the same for me" Aniya pa.

Gusto kong makipag-debate sa kaibahan ng dalawa dahil sa totoo'y magkaiba ang kahulugan nito, pero mas pinili kong manahik. Hindi hamak namang may alam sa bagay na iyon ang kaibigan kasi sa akin.

Isa si Zyro sa mga binatilyong ginagamit ng mga sindikato. Pinapagawa sila ng mga explosive device, tinuturuan kung papaano malusutan ang mga security technology sa bawa't establisyimento. Ang nakakatakot pa'y sinasalang sila sa mga mapanganib na operasyon, kagaya ng pagbibinta ng  pinagbabawal na gamot. Silang tatlong kalalakihan saamin ay pare-parehas ng kapalaran. Malala nga lang ang kay Zyro.

"Hangga't maaari sating dalawa muna 'to" Saad nito bago muling ayusin ang pagkakaupo sa sofa.

Sa puntong yon ay s'yang pagkabalik ko sa realidad.

Lost in GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon