LRW #59

8 1 0
                                    

Aking Araw,

Ito ang huling liham ko para sa'yo. Humihingi ako ng pasensya dahil iniwan kita ng walang paalam o sabi man lang. Ginawa ko 'yun dahil sa pangarap ko. Dapat isasama kita ngunit sinabi sa'akin ng mga magulang ko na may sakit sila at huwag ka ng isama dahil magiging pabigat ka lang. Pinagtanggol kita ngunit sila pa rin ang nanalo. Ayoko ko ng malaman 'to kaya iniwan kita. Ang buong akala ko ay magiging ayos lang ngunit doon ako nag kamali. Pasensya ka na aking araw at sinaktan kita at nag iwan ako ng malaking sugat sa'yo. Alam kong nakalimot ka na ngayon sa'akin at masaya ako doon. Nalimutan mo na ang sakit na dinulot ko sa'yo. Masaya ako para sa'yo aking aras. Dahil sa wakas ay naka hanap ka ng lalaking mamahalin ka at hindi ka iiwan. Ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko pang habang buhay, aking araw. Ikaw pa rin ang ituturing kong araw at magiging liwanag sa bawat pag dilat ng aking mga mata. Ikaw pa rin ang araw na mamahalin ko hanggang sa mawalan ako ng hininga. Sana ay maging masaya ka na pang habang buhay.

Nagmamahal,
Eric

LarawanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon