kabanata 1: Ang aking kababata

10 0 0
                                    

Taong 1918 ng isilang ang isang babae sa panahon kung saan ay sisiklab din ang unang digmaan pandaigdig si Maria Leonora mula sa lahi ng mga Tibursyo isang promeninteng ankan mula sa hilagang luzon.

Kilalang haciendero ang kanilang angkan na nagmamay ari ng malawak na lupain. Lumaki si Leonor sa probinsya subalit kinailangan lumuwas sa emperial Manila, Noong nagdalaga na upang mag aral sa Kolihiyo de Manila, kung saan ay nagpasya ang kaniyang magulang na kumuha siya ng kurso na komersyo, paghahanda ito para sa kanya upang susunod na taga pangasiwa ng kanilang mga ari arian at kabuhayan.

Sinonod niya ang payo ng kaniyang magulang at doon siya namalagi upang mag aral. Pinagtuonan niya ng pansin pag-aaral pinagbutihan niya ito at sa wakas ay nakatapos na din siya ng kanyang kurso at naka balik na sa kaniyang probinsya.

Siya ang naatasang taga pamahala ng negosyo ng pamilya. Masunuring anak si Leonor, hindi nya kailanman sinuway ang kaniyang mga magulang sa mga utos nito sa kaniya.

Umaga noon maagang nagising si Leonor at naupo sa kanilang balkunahe upang makalanghap ng sariwang hangin. Sa di kalayuan ay matatanaw ang malawak na taniman ng mga magga at sa kabilang dako naman at mga tubo. Marami din alagang hayop ang pamilya niya.

"Oh,, iha at ang aga mo naman ata magising?" bati ni nanay Esing, si nanay Esing ang katiwala ng pamilya simula ng bata pa si Leonor kay nanay Esing din sya lumaki sa pag aalaga nito kaya parang anak na ang turing nito sa kanya. "ah eh nang maaga po kase ako gumising upang magpahangin." wika ng dalaga. "oh e ipagtitimpla kita ng tsokolate ha" sabi ni nanay Esing, "Sige ho salamat".

Sa di kalayuan ay makikita ang grupo ng manggagawa sa kanilang hacienda sa taniman ng tubo ay doon nag titipon ang mga kalalakihan upang mag ani ng tubo. Isa sa manggagawa dito so Abelino. Si Abel ay isang matikas na lalaki palibhasa simula pa lang ng kabataan niya ay sanay na sya sa gawain sa hacienda ito marahil ang kinalakihan trabaho ng mga taga San Vicente. Ipinanganak sila upang maging alipin sa hacienda ng mga Tibursyo.

"Abel anak hito na ang meryenda mo magpahinga ka muna sa pag buhat ng tubo lalamig itong bilo bilo na niluto ko para sa iyo" wika ng kaniyang ina na si aling Magdalena, "Opo inay andiyan na po" turan naman ni abel sa kanyang ina. Simple lang ang buhay ng mag ina naka tira sila sa isang payak na kubo sa loob ng hacienda, sila na lang ang magkasamang mag ina mula ng namayapa ang ama nito dahil sa sakit.

Araw ng sabado noon lahat ng trabahador ay pumunta sa bahay ng mga Tibursyo upang kunin ang kanilang sweldo. Isa na doon si Abel, nag salita si Don Mariano Tibursyo sa harapan ng mga manggagawa sa hacienda,

"Mga kasama, nais kung ipabatid sa inyo na dumating na ang anak kung si Leonor... at mula sa araw na ito at sa mga susunod pa... siya na ang mamahala ng hacienda," wika ni Don Tibursyo,

"inaasahan ko na magiging maayos ang pakiki tungo nyo sa aking anak, ngayong siya na ang bagong taga pamahala nitong hacienda" wika niya sa harapan ng mga manggagawa,

"maaasahan ko ba iyon? Tanong nito sa mga obrero "opo..." malakas na sagot ng mga trabahador at nagpalakpakan ang lahat ng manggagawa, at nagpasalamat naman si don Tibursyo sa kanila,
"ngayon ay makigalak kayo may pagkain na inihanda para sa inyo" wika pa nito.

Nagkaroon ng piging sa mansyon ng mga Tibursyo, sa salo salo ay andoon lahat ng manggagawa, may kainan kasiyahan awitan at inuman.

Maayos ang naging pamamalakad ni Don Mariano sa kaniyang mga obrador sa kanyang hacienda kayat mahal siya mg mga ito at malaki ang respito nila kay Don Tibursyo. Isa na si Abel sa mga iyon. Na parang ama na din ang turing niya sa mantanda.

"oh Abel kumusta ka na? " wika ng isang dalaga sa sa kanyang likuran, si Leonor pala ang nagsalita, "heto mabuti naman... ganun pa din gaya ng dati noong huling umalis ka." wika niya sa dalaga. Ngumiti ito sabay sabi na "sobrang ganda mo na ngayon," sambit ng binata. Nahiya ang dalaga na waring namula ang mga pisngi sabay sabi na "ano ka ba ako pa din ito ang dating Leonor na kalaro mo ng habulan dati. " sabay ngiti ng dalaga.

Magkababata ang dalawa noon bago pa mag punta si Leonor sa manila ay magkalaro na ang dalawa sa hacienda. "alam mo ba Abel noong nasa manila ako... Namimis ko ang pag hahabolan natin sa ilalim ng manggahan, " pag papatuloy ng dalaga. "ah oo nga naalala mo pa ba noong nadapa ka sa lobloban ng kalabaw," sabay tawa ng binata, "napalo pa nga ako ng inay noon dahil sa iyo," patuloy pa niya. "kaw talaga wala ka ng ibang ginawa kundi asarin ako," wika ng dalaga.

"Mabuti at umuwi ka na upang ipagpatuloy ang pamamahala nitong hacienda," pagpapatuloy pa ni Abel, "ah oo dahil iyon ang gusto ni papa, wala naman siya ibang maasahan kundi ako lang dahil alam mo naman na noong namatay ang aking kuya nag iisa na lang akong kasama nila" wika nito sa binata.

"Sya nga pala asan si Nanay Magda ang iyong ina, " sabi ng dalaga noong napansin na wala si Aling Magdalena sa piging, "oo wala siya ngayon dahil masama ang pakiramdam nya kagabi pa. "

"Pasabi sa nanay Magda na pagaling siya agad," wika nito " hayaan mo at dadalawin ko siya bukas ng umaga. " dagdag pa niya, "oo makakarating sa kanya sasabihin ko sa kanya, " tugon ng binata.

Pagkatapos ng kasayahan ay umuwi na din si Abel, sa kanyang pag uwi ay hindi mawaglit sa isipan niya ang malaking pag babago sa wangis ng dalagang si Leonor, hindi nya mahiwari ang isip nya bakit ganun na lamang ang saya niya ng maka usap ang dalaga. Sa loob niya ay hindi Niy maitanggi ang pag hanga sa dalaga.

Pag uwi niya sa kanilang kubo ay nadatnan niya ang kanyang ina na naka higa sa papag, "inay musta na po ang pakiramdam nyo? " sabay abot ng kamay ng ina upang mag mano, "ayos na ako wag ka masyado mag alala kunting lagnat lang ito subalit medyo ayos na pakiramdam ko" sagot ng kanyang ina. Hindi mapakali si Abel ng gabing iyon at inaasahan niya na makikita ulit si Leonor kinabukasan.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 22, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maria LeonoraWhere stories live. Discover now