Mahiwaga talaga ang pag-ibig at walang sinuman ang may kakayahang supiliin ito. Sinasabi na kapag dumating sa ating buhay ang tunay at wagas na pag ibig ay walang sinuman ang maaring hadlangan ito. Ang panahon ay lilipas ngunit ikaw at ikaw pa din aking mahal ang nag iisang pag ibig ko. Ito ang pananambitan ng isang binata na si Abelino para sa minamahal niyang si Leonor, hindi kailan man mahahadlangan ang pag ibig nila sa isat isa daang taon man ang lumipas subalit ang puso ay hindi makalilimot.