THE FIREFLIES

372 15 2
                                    

THE FIREFLIES

Dito sa Bundok paburito naming magkakaibigan na gumala sa mapupunong lugar tuwing gabi

Tuwing gabi kase magaganda ang mga Alitaptap doon

"Tara na Kiks" aya sakin ni JP na nagmamadali

Parang tumakas ata ang loko

Siya kase yung madalas na di papayagan kase gabi na daw eh kami na malapit lang

"Tumakas kana naman sa bahay niyo?" tanong sakaniya ni mikoy AKA Mikaelo

"Di ah" pagkukunware naman ng gago

"Tara Kiks" aya ni Jah

Ako si Kickley Storm half Mexican pero ito nasa Bundok nakatira

Di naman ako nagrereklamo dahil masaya naman dito payapa pa, at nakilala ko dito ang 4 kong mga kaibigan

Si Jp ang pasaway sa amin, Si Mikaelo na apaka seryosong tao, Si Jah or Justin na Palabiro at basagulero at huli si Makmak or Mark na tahimik lamang ,nagsasalita lang siya kapag siya ang kinakausap at ako na pinakaCute saamin Joking...

Baliko din ako pero di ako nagkagusto sa mga kaibigan ko ni isa nga wala pa akong nagugustuhan i mean Crush oo pero mgaKoreano lang naman yun

Masaya kaming tumatakbo patungo sa malaking puno ng mangga kung nasaan ang maraming alitaptap

"Kiks lika dito" tawag sakin ni Jah, sa magkakaibigan din kase ako pinakabata kaya yun haha

"Bakit?" Tanong ko

Inalahad niya lang sakin kamay niya at tinanggap ko naman ito

Hinila niya ako at napaupo ako sa tabi niya

"Dito ka lang" sabi niyakaya nanahimik nalang ako

Nakaupo kami sa damo habang tinitignan ang mga nagsilipad na mga alitaptap

Para silang mga bituin na nasa malapit lang at kaya mo abutin

"Tol anong oras na ba? Baka magalit na lalo sina mama" sabi ni Jp kaya nagtawanan kami

Alam naming tumakas lang to sa bahay nila

Halata nga eh

"Alas 8 palang Jp maya na" sabi ni mikoy na nakatingin sa relos niya

Masaya kami lagi tuwing nandirito

Payapa lang habang nakatingin sa mga lumilipad na ilaw

"Huy huy yung jowa ni Makmak tumatawag" anunsyo ni Mikoy saamin kaya sympre interesado kami

Angganda kase ng GF niya sarap agawan HAHA

Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni jah

"Bakit tol?" Tanong ko

Nakatingin lang siya sa mga alitaptap habang ang iba nangialam sa buhay ni Makmak

"Dito ka lang may gusto lang ako sabihin, kaylangan ko advice mo" sabi niya kaya umupo ako ng maayus ulit

"Ahhhhhhh kawawa pinatayan ng tawag sa jowa hahaha" rinig kong pang aasar ni JP kay makmak

Pinatayan ata ng call haha

Nakatingin lang ako sakanila habang inaasar si Makmak

"Tangina niyo ,palibhasa kase wala kayong shota" depensa niya so yun umakto si Jp na nasaktan at napahawak sa dibdib bago tumawa ulit

Gago talaga tung isang to

"Huy ilagay mo muna atensyon mo sa akin"

Napalingon ako kay Jah, ay kinakausap ko pa pala ito

THE FIREFLIES (1 book story) [COMPLETE]Where stories live. Discover now