𝐊 𝐚 𝐛 𝐚 𝐧 𝐚 𝐭 𝐚 14

2 2 0
                                    

Sa unang tingin,hindi kumplikado ang sitwasyon. Si Mitch na lang ang nakakaalam na sa bawat paghiga niya sa kama sa gabi,mukha na ni Sandro ang naiisip niya bago siya makatulog.

---Kailan kaya siya uuwi sa lungsod?Sayang,sana ay hindi pa. Wala pa akong balak na bumalik sa lungsod,ayokong makatanggap ng tawag mula kay Jude na magsasabi na hindi lang isang buwan mapo postpone ang kasal namin kundi dalawa,o tatlo buwan. Ayoko na rin munang makarinig ng sumbat mula kay Mama dahil tinanggap kong pag ibig nito gayung---.

Mga katok sa pinto ng kanyang cottage ang pumukaw aa kangyang pag iisip.

"S-sino yan?"

Agad siyang bumangon at lumapit sa pinto.

"It's me."

"S-sandro,bakit?"

maang na tanong niya nang buksan ang pinto.

"Tulog ka na ba?"

naupo ito sa sofang kawayan na nasa terasa.

"H-hindi pa. Akala ko ba ay inaantok ka na kaya ka nagpa alam na?"

Lumabas na rin siya at naupo sa isa pang bangko.

"Kanina. Pero nawala ang antok ko nang pumasok ako sa cottage,eh"

May nalanghap siya sa hininga nito.

"A-amoy alak ka,uminom ka ba?"

"Konti lang,galing ako sa bar kanina,uminom ako para antukin sana."

Pero nahagip ng kanyang paningin ang hawak ng kanang kamay nito.

"Konti lang?Eh,hayan at may bitbit kang bote. Naglalasing ka ba?"

"Hindi. Pero kung gusto mo,maglasing tayo."

"Sira!Hindi ako marunong uminom,ano?"

"Ows?"

"Hindi nga?"

"Naniniwala ako."

Natahimik na ito habang nakatanaw sa kawalan.

"Hoy,anong problema mo?"

Tinapik niya ito sa balikat.

Pabuntong hiningang lumingon sa kanya ang binata.

"Katatawag lang ng pinsan ko,pinapa balik na ako sa lungsod. May problema raw sa opisina."

"H-ha?"

Bigla ang pagtutol na nadama ni Mitch.

"Sabi ko,bukas na lang ng gabi ako babalik doon."

"B-bakit bukas pa?"

"Ayokong iwan ka rito,eh."

Natahimik siya.

"Hindi ba sabi mo noon,ikakasal ka na kay Jude?"

Maya maya ay biglang tanong nito.

"O-oo. B-bakit?"

"Kinuwenta ko iyong araw mula nang sinabi mo iyon sa sulat,ngayon yata iyon,ah. Hindi ba?"

"H-ha?

Nalito siya.

"Ah,na postpone ang kasal namin. N-nagka problema kasi sa operasyon ng anak niya sa France."

Hindi na siya nakaiwas na aminin dito ang totoo.

"I see. Kaya pala narito ka."

"O-oo."

Saglit na namagitan ang katahimikan aa kanila.

"Mitch,may itatanong lang ako,ha?Huwag kang magagalit."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Title:The DiaryWhere stories live. Discover now