CHAPTER 2

20 1 0
                                    

Elle's POV

Kanina pa ako nakikipagtitigan sa maliit na ataul na hawak ko. Ibinigay sa akin 'to ni Mommy Lili baka raw kahit papaano ay makatulong sa pagbalik ng alaala ko. Medyo naga-alangan lang akong buksan dahil pakiramdam ko ay ini-invade ko yung privacy ni Elysabeth.

Muling nilibot ko ang tingin sa loob ng kasalukuyang kwarto ko at 'di ko maiwasang mapako ang tingin sa iilang medals and trophies na nakadisplay. It's interesting dahil halos lahat ng 'yon ay related sa basketball.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang ataul na hawak ko at hindi ko maiwasang mamangha sa unang litratong bumungad sa'kin. Isa 'yong litrato ng isang basketball team na kung saan nandoon din si Elysabeth. Mukhang si Elysabeth ang manager ng team dahil madalas itong nasa gilid o napapagitnaan ng mga players sa litrato.

They look so happy together.

Nakangiting pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga litrato. Puro involved lahat sa basketball team niya. May mga litrato rin na kasama nila si Nutella pero mukhang hindi siya player dahil mostly ay naka school uniform siya.

Habang inaayos ang mga nagkalat na litrato sa ibabaw ng kama ko ay naagaw ng pansin ko ang isang litratong nakataob sa loob ng ataul. Hindi ko ito agad napansin dahil bukod sa nakataob ito ay halos kakulay na ng likod ng picture yung loob ng ataul. Kung hindi ko lang siguro nakita yung sulat ay hindi ko mapapansin na may litrato pa akong nakaligtaan.

'HOMERUN!!!'

'I'm so proud of you, Ace<3.'

Mas lumaki pa lalo ang ngiti ko dahil sigurado akong related ito sa Softball. Ang pinakamamahal kong sports aside sa Basketball. Hindi ko maiwasang maluha dahil naalala ko bigla ang mga teammates ko pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng labis na pagtataka ng makita ko ang harapan ng litrato.

It's...me.

Kuha ko 'yon Five years ago matapos kong makahomerun na naging panalo ng team ko.

Nakakatuliro hindi ako mapakali sa mga tanong na namumuo sa isip ko..

Matalim na napatitig ako sa litratong kanina kong hawak.

Ibigsabihin kilala niya ako pero sa tanang buhay ko wala akong maalalang nakita ko siya o kahit na sino na related sa kanya.

Sumasakit ang ulong humiga ako sa kama. Kailangan kong kumalma walang mangyayari kung uunahan ako ng kaba.

Matapos ligpitin ang mga nagawang kong kalat ay dumiretso agad ako sa indoor half court na pagmamay ari ng mga Somuayina para mabaling sa iba ang utak ko. Pakiramdam ko kasi anytime sasabog ang utak ko dahil sa mga katanungan kong malabong masagot.

Wala sa sariling dinribble ko ang bolang nakuha ko sa tabi ng basketball ring at tumira.

Sa sobrang tahimik dito sa bakuran ng mga Somuayina ay rinig na rinig ang walang daplis na pagpasok ng tira ko sa ring.

"How come that you know how to shoot?"

Nilingon ko kung saan nagmula ang boses na 'yon. She's Five feet away from me and she's wearing a P.E uniform which is unusual of her. Nakakapanibago lang dahil first time kong makita siya ng ganoon ang suot. Ang simple lang naman ng suot niya at mukhang kakagaling lang sa school pero bakit ang fresh parin niyang tingnan?

Napailing na lang ako sa naisip.

"Last time I checked you're suck at any related to sports and Is it even good for your heart?" concerned na dagdag pa nito.

"People change and I'm healthy." I just said and starts to shoot again.

Kinuha niya ang bola na tumalbog sa direksyon niya at hindi ko maiwasang magtaka ng mapansin ang mahigpit na pagkakahawak niya roon. Huminga siya ng malalim bago ipinasa sa akin ang bola na agad ko namang nasalo.

IF IT'S YOUWhere stories live. Discover now